NOTICE TO THE BEANS:


ako ay kasalukuyang inaayos ang bagong lilipatan ng blog na ito.
http://beansrepublic.ning.com
underconstruction pa.
pero pwede na kayo magsign-up dun. salamat !


5.01.2009

SINO ANG DRAYBER

Alas-kwatro palang ng madaling araw bumangon na ang drayber para ihanda ang kanyang dyip para makapagpasada ng maaga. Wala pang gaanong dyip kaya maluwag ang kalsada. Tahimik. Payapa.

Sinimulan na ng drayber na pihitin ang makina para makapagsimula na ng kanyang hanapbuhay. Iniandar na ang kanyang pampasadang dyip, Dire-diretso at matulin ang takbo.

Madilim ang kalsada kaya hindi tanaw lahat lahat ng nadadaanan.

Hindi pa nakakalayo ay may sumakay ng isang babae.

Para.

At sumakay na ito sa looban ng dyip.

Dire-diretso ng takbo at sa hindi kalayuan ay bumaba na din ang babae.

Tuloy ang pasada at muli ay iniandar ang makina. Huni lamang ng dyip ang maririnig. Walang alinlangan sa matulin na pagtakbo hanggang di namalayan ng drayber na may kung anong humarang sa gitna ng daan. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya’t huli na ang lahat para ihinto ang makina.

Habang papalapit sa bagay na nakaharang ay unti-unti na ding naaninag kung ano iyon.Huli na ang lahat. Isang bata pala ang nakaharang sa daan. At ang hindi inaasahan nabangga ito.

Dagling bumaba ang drayber para tignan ang kalagayan ng bata. Duguan ito at nakalupasay na lamang sa kalsada. Habang papalapit ay tila namumukaan niya ang batang nakahandusay. Hindi makapaniwala ang drayber na ang sarili niyang anak ang kanyang nabangga. Niyakap niya ito ng mahigpit.

“Anak..”

“Oo anak mo ako.. pero hindi ikaw ang tatay ko” pabulong na sagot ng anak.


TANONG: kaanu-ano nga ba ng anak ang drayber?

** ang sagot nasa pinakaunang post :)

---

cornbeef