NOTICE TO THE BEANS:
ako ay kasalukuyang inaayos ang bagong lilipatan ng blog na ito.
http://beansrepublic.ning.com
underconstruction pa.
pero pwede na kayo magsign-up dun. salamat !
Sino ba ang tunay na nanloloko? ang taong nagiisip manloko o yung taong nagpapaloko. Nanloloko ang manloloko dahil alam niyang may maloloko siya.Sino ba ang tunay na manloloko?Ang taong nanloloko na hindi alam na ang sarili pala niyaAng kanyang niloloko oAng taong nagpapaloko kahit alam niyang niloloko na.Bakit ba may nagpapaloko kung pwede din naman siyang manloko.Sino ang tunay na manloloko?Masarap manloko,at mahirap magpaloko.Kung ikaw ay manloloko, meron at meron ding manloloko sayo.Wag kang manloko para di ka maloko. Katumbas ng wag kang magloko para di ka lokohin.
Setyembre 26, 2009
Umaga. Wala pa akong tulog dahil na-shock ako sa nangyari ng gabi bago ang malawakang pag-baha. Hindi ko na ikikwento ang nangyari ng gabing iyon dahil sumasakit lang ang puso at ulo ko. Baka ma highblood lang ako at mapatay ko ang salarin. Malungkot ang umaga, walang tulog, masakit ang ulo. Nagiisa.
Petiks pa ko sa pagteteks dahil naka-unli ako at kelangan ko gawin yon para medyo mabawasan ang pag-iisip sa kanya. Teeekkkssssstinggggg! Hindi ko namalayan na kasabay ng pakikipag aliwan ko sa iba ay kasabay na din pala nun ang ga-dagat na baha. May bagyo daw, si pareng Ondoy at nasa lebel na sya ng super typhoon. Sa loob ng sampung taon, iyon palang ang pangalawang pagkakataon na binaha ang lugar namin. Akyat-baba ng mga gamit ang mga oldies sa aming pamilya. Ang ilang kamag-anak ko naman ay nagging instant public icon. Sila ang nagging rescue ng aming mga kapit bahay na humingi ng saklolo para maisalba ang kanilang mga gamit. Habang tumatagal ay tumataas ang baha, salamat sa pangyayaring iyon dahil kahit pano napunta sa iba ang atensyon ko. Halos buong araw ang pagulan at halos lumubog na din pala ang pilipinas sa baha at sa putik, wala akong kaalam alam. Ang ilan as mga kapitbahay naming ay nakisilong na sa aming tirahan at nagsilbing instant evacuation center ang aming munting bahay. Dahil sa baha, kinailangan nang patayin ang kuryente kaya naman sobrang tinipid ko ang aking battery sa selepono. Unti unting humihina ang signal na parang unti unti rin kaming nalalayo sa mundo ng sibilisayon. Hardlife talaga.
Ilang araw ding naging guestroom ang aking kwarto, no choice eh at naging bodega na din. Ilang araw kaming nakatambay sa terrace ng second floor at walang gagawin kundi ang mag sight seeing sa mga bagay na umaagos sa baha. Andyan ang bag, plastic ng basura, may damit, tsinelas, foam ng kama, may ilang mga sapatos din ang naianod, may contact lens, patay na manok, patay na aso, mga sanga ng puno at di maiiwasang may Makita ka na tae na lumalangoy sa baha.
Dahil saw ala ngang kuryente, kinakailangan na ng lahat na tanggalin ang mga imbak nila sa kanilang frigidir dahil malamang mabubulok yon, saying naman. Kaya naman lahat ng pagkain na nasa storage ay bighlang naglabasan solb solb! Meron din nagpamigay ng karneng baboy, yun nga lang tinapon din naming kase boljak daw yun double dead na kasi.
Marami ding nagpamigay ng mga relief goods, actually nakaipon na nga kami ng mga delata at mga noodles. Araw araw yun ang kinakain naming kaya naman wag ka nang magtaka kung amoy sardinas na pati ang dighay namin. May nagpamigay din ng mga ukay-ukay na damit na kulang na lang ay itapon mo dahil talagang sira na ang hitsura ng mga ito. May tsinelas, toothbrush na china ang brand, toothpaste at mineral water. Nakatulong na sila, naipromote pa nila ang kanilang mga produkto. Hard life talaga.
Lahat ng tao mabait, ang mga di nagpapansinan dikit na ulit. Walang madamot, lahat nang-aalok ng pagkain, lahat pilit pinapasaya ang bawat isa. Tulong tulong. Sama sama.
Sa isang iglap, andaming nabago. Pati sama ng loob ko naianod din ng ata baha.
Bakit ganun, kailangan pa bang may mangyaring masama para magkusa tayo na ayusin ang sarili natin?