NOTICE TO THE BEANS:


ako ay kasalukuyang inaayos ang bagong lilipatan ng blog na ito.
http://beansrepublic.ning.com
underconstruction pa.
pero pwede na kayo magsign-up dun. salamat !


11.11.2009

DEFINE: IMBA.


PARA SA MGA DI NAKAKAALAM KUNG ANO ANG IMBA. :DD

10.10.2009

SINO ANG MANLOLOKO

Sino ba ang tunay na nanloloko?

ang taong nagiisip manloko o yung taong nagpapaloko.

Nanloloko ang manloloko dahil alam niyang may maloloko siya.

Sino ba ang tunay na manloloko?

Ang taong nanloloko na hindi alam na ang sarili pala niya

Ang kanyang niloloko o

Ang taong nagpapaloko kahit alam niyang niloloko na.

Bakit ba may nagpapaloko kung pwede din naman siyang manloko.

Sino ang tunay na manloloko?

Masarap manloko,at mahirap magpaloko.

Kung ikaw ay manloloko, meron at meron ding manloloko sayo.

Wag kang manloko para di ka maloko. Katumbas ng wag kang magloko para di ka lokohin.

BAHA. (when the sea is infront of you and when you can't see the street because of mud)


Setyembre 26, 2009

Umaga. Wala pa akong tulog dahil na-shock ako sa nangyari ng gabi bago ang malawakang pag-baha. Hindi ko na ikikwento ang nangyari ng gabing iyon dahil sumasakit lang ang puso at ulo ko. Baka ma highblood lang ako at mapatay ko ang salarin. Malungkot ang umaga, walang tulog, masakit ang ulo. Nagiisa.


Petiks pa ko sa pagteteks dahil naka-unli ako at kelangan ko gawin yon para medyo mabawasan ang pag-iisip sa kanya. Teeekkkssssstinggggg! Hindi ko namalayan na kasabay ng pakikipag aliwan ko sa iba ay kasabay na din pala nun ang ga-dagat na baha. May bagyo daw, si pareng Ondoy at nasa lebel na sya ng super typhoon. Sa loob ng sampung taon, iyon palang ang pangalawang pagkakataon na binaha ang lugar namin. Akyat-baba ng mga gamit ang mga oldies sa aming pamilya. Ang ilang kamag-anak ko naman ay nagging instant public icon. Sila ang nagging rescue ng aming mga kapit bahay na humingi ng saklolo para maisalba ang kanilang mga gamit. Habang tumatagal ay tumataas ang baha, salamat sa pangyayaring iyon dahil kahit pano napunta sa iba ang atensyon ko. Halos buong araw ang pagulan at halos lumubog na din pala ang pilipinas sa baha at sa putik, wala akong kaalam alam. Ang ilan as mga kapitbahay naming ay nakisilong na sa aming tirahan at nagsilbing instant evacuation center ang aming munting bahay. Dahil sa baha, kinailangan nang patayin ang kuryente kaya naman sobrang tinipid ko ang aking battery sa selepono. Unti unting humihina ang signal na parang unti unti rin kaming nalalayo sa mundo ng sibilisayon. Hardlife talaga.


Ilang araw ding naging guestroom ang aking kwarto, no choice eh at naging bodega na din. Ilang araw kaming nakatambay sa terrace ng second floor at walang gagawin kundi ang mag sight seeing sa mga bagay na umaagos sa baha. Andyan ang bag, plastic ng basura, may damit, tsinelas, foam ng kama, may ilang mga sapatos din ang naianod, may contact lens, patay na manok, patay na aso, mga sanga ng puno at di maiiwasang may Makita ka na tae na lumalangoy sa baha.


Dahil saw ala ngang kuryente, kinakailangan na ng lahat na tanggalin ang mga imbak nila sa kanilang frigidir dahil malamang mabubulok yon, saying naman. Kaya naman lahat ng pagkain na nasa storage ay bighlang naglabasan solb solb! Meron din nagpamigay ng karneng baboy, yun nga lang tinapon din naming kase boljak daw yun double dead na kasi.


Marami ding nagpamigay ng mga relief goods, actually nakaipon na nga kami ng mga delata at mga noodles. Araw araw yun ang kinakain naming kaya naman wag ka nang magtaka kung amoy sardinas na pati ang dighay namin. May nagpamigay din ng mga ukay-ukay na damit na kulang na lang ay itapon mo dahil talagang sira na ang hitsura ng mga ito. May tsinelas, toothbrush na china ang brand, toothpaste at mineral water. Nakatulong na sila, naipromote pa nila ang kanilang mga produkto. Hard life talaga.


Lahat ng tao mabait, ang mga di nagpapansinan dikit na ulit. Walang madamot, lahat nang-aalok ng pagkain, lahat pilit pinapasaya ang bawat isa. Tulong tulong. Sama sama.
Sa isang iglap, andaming nabago. Pati sama ng loob ko naianod din ng ata baha.
Bakit ganun, kailangan pa bang may mangyaring masama para magkusa tayo na ayusin ang sarili natin?

8.30.2009

SUPER MP3


Tandang tanda ko pa .. Nobyembre 29, 2007 yan ang eksaktong araw kung kalan sya napasaakin. Katatapos lamang ng MP3 fever (kung saan nauso ang 128mb 256mb at pag may 512mb ka ay sikat ka na at pag 1gb ay halimaw ka na..) I-out natin ang i-pod sa ating usapan dahil pang-mayaman lang ito at hindi ito afford ng masang pinoy. Mp4 naman ang sumunod na model, upgraded mp3 ito. Kolord na ang screen at pwede ng magplay ng video files at magview ng images. Mabangis. Marami ang mga kalalakihang nagpasalamat sa imbensyong ito dahil mas nadagdagan ang mga gadgets kung san sila pwedeng magplay ng porn vids. Anytime anywhere.

Malupet talaga ang mga instik, dahil hindi pa nakuntento sa MP4 kaya mas pinaganda pa ang mga features ng mp4, kaya nagkaron ng MP5. Ang MP5 may may built-in notepad at high quality na camera (pang daylight lang), video player for 3gp, nakababasa ng text file, may calculator, may built-in memory na 2gb, may memory card slot, games, rechargeable Li-ion battery, changeable themes, may speaker at pwedeng i-konek sa TV. Malupet. Hitik na hitik sa features.

Lahing MP5 ang aking nabili at siya ay si SUPER MP3. kelan ko lang siya napangalanan ng super mp3, mula ata nung bumaba na ang standards nya at medyo sumasama na ang tama nya sa madaling salita mula nung naging sirain na sya. Nagpasama ako sa isang kaybigan papuntang Raon. kilala ang raon na bagsakan ng mp3 series, cameras, iba’t-ibang musical instruments, cellphones, appliances, pati bilihan ng mga videoke nagkalat din doon. Siya ang tour guide ko. Tandang tanda ko pa ang layo ng aming nilakbay at kung paamo kami nakipag-tawadan sa mga tindero doon sa shop. Nakipagbolahan at nagnilaynilay, “2300php tapat na po.. wala na kaming tubo dyan.” Bueno mano daw kami kaya nakatawad din kami ng 200php ata.

Pinatos ko na dhail 2gb yon, sapat na dahil alam kong adik ako sa kanta. Tandang tanda ko pa, kinulang ako ng pamasahe dahil sinagad ko ang pera ko para mabili yon. Inatake ako ng pagka-impulsive buyer ko. Buong ipon ko ay isinugal ko para kay Super MP3 sa kabila nang ideyang kalidad China ito, sirain.. DISPOSABLE daw.

Pag may bagong gamit o gadget hndi tayo titigil hangga’t hindi natin ito nakakalikot ng husto at hindi nadidiscover ang buong features nito. Sabik nga. Hindi nakalusot sa ganoong kaugalian ang bagong bagong si Super Mp3. Piktyur dito, piktyur doon. Pose dito, pose doon. Bidyo dito, bidyo doon. Pindot ng pindot, di makuntento hangga’t hindi pa drain ang baterya. Araw-araw ay pagod sa iba’t-ibang activities ang aking alaga ayon mahigit isang buwan lang, nalaspag ang jack input para sa headphones pero naagapan naman ito dahil pinagawa ko ito sa doctor ng makina na matatagpuan sa: Ground floor building of Santa Lucia East Grandmall, beside Robinsons Metro East along Marcos highway road. For more info see flyers and posters for details. Chain reaction ang nangyari kay Super MP3 dahil sumunod na nasira ay ang down button navigation niya at di nagtagal ay sumunod si upper button. Sa kasamaang palad ay hindi o na sya napagamot dahil kasalukuyang tumitindi ang financial crisis na aking hinaharap. Bahala na, basta tumutugtog pa at naririnig ko pa ang tugtog yun ang mahalaga.

Kamakailan lang, nitong buwan ng hunyo nagsimula nang lumabas ang lahat ng saki ni Super MP3. Hindi ko sya masisi dahil alam kong medyo nagka-edad na sya, mahigit dalawang taon na din nya kong inaliw at napagsilbihan. Hinanda ko na ang aking sarili sa kanyang nalalapit na paglisan.

Binuksan ko sya para kamustahin, Sabay kaming nanggaling sa mahabang bakasyon at ilang araw ko din syang hindi nahawakan dahil ngayon ko lang ulit sya nai-charge. Sa una akala ko Ok pa sya..

“I’m a Barbie girl in a Barbie world..
It’s fantastic..
It’s fantasteeekkk--- eeekkk ----eeeeekkk..”
. . .

At nag-hang na sya. Sinubukan ko pa syang ireset at ipukpok, at ganoon lang ulit ang nagyari. Kinonsulta ko din sya kay Mainframe (Ang Jurassic PC ko na mas mabagal pa sa snail mail) sinubukan ko syang maka-usap pa, ngunit ang nagawa lang ni Mainframe ay hawaan pa si Super MP3 ng virus na sandamakmak. Nag shutdown na ang system ni Super MP3. (patugtugin ang TAPS)

Ibinurol ko sya sa aking drawer na kung saan ay imbakan ko ng mga koleksyon kong kalat at iba pang paraphernalia’s. nakakalungkot dahil di ko na nagawang maiback-up ang mga kantang all time favorites ko, at ang nagawa ko nalang ay tanggapin ang pagkawala niya.

Tuwing gabi sya ang nagsisilbing sleeping ko. Pag hindi ako makatulog, sya ang karamay ko magdamag. Matibay sa puyatan si Super MP3 dahil di sya tulad ng iba na mabilis antukin. Nagsisimula na ang kanyang pagkanta pag 10pm at hihinto lang sya pag 6am na. Halo-halong genre ng kanta kaya nyang kantahin para sa akin. Salamat Super MP3.

Sa bawat kasiyahan ng Happyhorse, minsan ding nagging ikaw ang official camera ng tropa. Kahit niloko mo kami na 9 mega pixel ka at ang totoo’y VGA ka lang. Hindi ka lang pang-kamera, pang videos pa ! Salamat Super MP3.

Makisig ka dahil hindi lang kanta, images at videos ang kaya mong itago. Pati mga confidential files at kung anu-anong shits ay tinago mo padin. Pati nga virus inalagaan mo pa. Salamat Super MP3.
Dahil sayo, nainspired mong bumili ng kagaya mo si Puya. Nag depreciate na ang presyo mo ng mga panahong iyon, kaya naka-mura si puya ng onte sa pagbili ng MP5. Panibagong lalaspagin ng tropa. Salamat Super MP3.

Naniniwala ako sa re-incarnation kaya alam kong muling magbabalik si Super MP3, tulad ng nangyari kay Optimus Prime. Di ako titigil na umasa na isang araw ay magbabalik sya at sa muli ay tutugtugan niya ako ng:

“I’m a Barbie girl in a Barbie world..
It’s fantastic..
It’s fantastic! ”

. . .

RIP
(Return If Possible)
SUPER MP3
Nov 2007 – Jun 2009

ONE SHOT.


Kararating ko lang sa tagpuan heto agad ang sumambulat sa akin:

HAPPY BIRTHDAY PUYA.
PAALAM NA NAGTEXT NA ANG TATAY KO, PANO BA YAN ALIS NA AKO.


Hahahhahahhahhahaha ! nakaktuwang pakinggan dahil maguumpisa palang ang aming pagdiriwang at heto sya nagpapaalam na agad. Sabagay di ko sya masisi dahil alas-tres ng hapon ang usapan at pasado alas-syete y’medya na ng gabi ako nakarating. (syempre galing ako sa mahabang byahe! Tinawid ko pa ang dagat.)

Nagtimpla muna ako ng maiinom, napagkasunduan ng lahat na iinom nuna sya ng ISANG SHOT bago umalis. Pumayag naman sya sa aming munting deal. Inabot na naming ang unang shot.

Ayon at mapayapa na naming syang pinauwi. Demanding pa dahil nagpahatid pa sya sa motor ng isa naming kaybigan. Gusto lang makatipid nun sigurado.

08:50:02 am
PUYANG- INA PUYA NAGSUKA AKO KAGABE. TAE NU ORAS NATAPOS? DI MAN LANG AKO NAKAPULUTAN HAHAHHA! AMP!

Nagulat ako sa text na iyan mula sa kanya. Akalain mo yon? Isang shot lang yon at nagkaganon na agad sya!. Napakalupit ko atang magtimpla?! Hahaha!


Ilalahad ko na ang katotohanan. Pina-shot naming sya ng isang baso na punong-puno at kada iinumin nya ito ay magpapanggap ang lahat ng tropa na busy o abalang abala na makipagkwentuhan sa bawat isa kaya hindi nila nakita ang pag-tagay niya. Ibabalik na ng biktima nag baso at magpapaalam na ito.

BAGO KA NAMAN UMUWI SHU-MAT KA NAMAN KAHIT ISA LANG!

*UTA KAKA-SHOT KO LANG!

OH?! MAY NAKAKITA BANG UMINOM SI --------
(Itago natin sya sa pangalang BRUNO)

WALA DI BA?

WALA !!!!

Naka-anim na UNA AT ISANG SHOT sya. Punong-puno ng alak ang baso na pinainom sa kanya at sunod-sunod yon na pinatagay sa kanya. Sa halos kinse minuto ¾ na pitsel ang kanyang inubos. Pagkatapos ng huling shot ay nakipag-kamay na ang lahat sa kanya.

AKING NAPAGTANTO NA KAHIT GAANO KA PA KALAKAS UMINOM KAYANG-KAYA KANG MALASING SA ISANG SHOT.
LALO NA KUNG KAYBIGAN KA NAMIN AT KUNG KASAPI KA NG HAPPYHORSE.

CHECK IT’ OUT !!
(che-ker-rawt)

-----
gawa ni: PUYANG INA

7.29.2009

DYIPNI

PARA.

Pasenyas kong ikinumpas ang aking kamay para huminto ang pampasadang dyip sa aking harapan.
Hindi kailangang magpakeme-keme o magpatwitams sa mga ganoong sitwasyon. Dahil kung sakaling matapat ka sa rush hour at ganun ang drama mo di malayong mapunta ka sa mga premium seats na madalas i-offer ng mga hapit na dyip. ¾ seat , ½ seat , ¼ seat o kung talagang may hatid kang swerte ay NO SEAT (ito yung tipong nagkakaroon ka ng imaginary seat . Pilit kang magsusumiksik para makaupo man lang kahit ¼ ng pwet mo sa upuan at aasa kang may bumabang pasahero sa di kalayuan para makaupo ka ng kumportable).
Syempre dahil sanay na ako at hindi naman ako yung taong laging conscious, nagmamadali akong sumakay kahit alam kong hindi pa naman ganun kapuno ang sasakyan.

LARGA NA.

Kadalasan inaabot ng mahigit kalahating oras ang byahe tuwing pumupunta ako sa eskwelahan o galaan kung saan saan. Mabilis ang byahe kapag hindi hapit sa pasahero ang drayber at kung hindi pa inaanay ang dyip niya. Sa tantiya ko ngayon ay aabutin ako ng isang oras papunta sa eskwelahan, sakto lang ang pag-alis ko sa bahay para hindi ma-late at hindi maghintay ng matagal bago pumasok sa klase.

SAMPU PA. KALIWA’T KANAN.

Hindi ako unlimited text dahil wala akong pang-load. Kung may load ako sigurado text lang ako ng text habang nasa daan, yun lang kasi ang pinaka-OK na pantanggal ng bagot sa mahabang byahe. Pero nung nabubuhay pa ang aking munting mp3, sya ang karamay ko sa araw-araw na paglalakbay ko kung saan saan. (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa). Walang load. + walang mp3 equals “tunganga”.

BAYAD NGA PO.

Ngayon ibabahagi ko sa inyo ang aking tips para maging kaaliw-aliw at makabuluhan (sana) ang inyong byahe. Happy trip !

TIP #1:

Ipikit ang inyong mga mata at magpanggap na tulog o matulog nalang kung puyat. Sa paraang ito ay maipapahinga ninyo ang inyong mga mata habang nasa daan. Pwede ring paganahin ang inyong malawak na imahinasyon. Naaliw ka na, makakaiwas ka pa sa mga batang namamalimos na may bitbit na sobreng lukot o kaya naman mga batang taga-punas ng sapatos (pero sa totoo lang ay pinapagpag lang ang basahan sa iyong sapatos o paa. Wag papaloko !)

TIP #2:

Mag sight-seeing sa mga lugar na nadadaanan ng dyip. Isipin mo nalang na ito ay isang educational trip with free usok at alikabok. Good for the health at good for the look. Think positive. Enjoy din ito dahil maaari kang makachamba ng mga live-action sa kalye. Minsan live na nakawan, banggaan o kaya naman ay away ng mga magsyota na umeeksena sa kalye. Kung lapitin ka ng swerte, malaki din ang tyansa na maka-spot ka ng chicks at gwapo sa daan o kaya sa mga kapwa mo pasahero. Nakakabusog ito sa mata.

TIP #3:

Magobserba sa mga kapwa pasahero. Madalas ko itong gawin lalo na kung kakaiba ang mga kasabay ko sa dyip. Andyan yung mga nagrereklamo sa kung saan saan, mga old friends na nagmistulang reunion event ang dyip at todo kamustahan pa,andyan din yung mga nagchichismisan sa mga napakawalang kwentang bagay, may iilan-ilan na kunyare ay nagddrums na hinahampas hampas ang kamay kung saan saan o kaya ay kunyare na tumitipa sa gitara, may mga ale na pinaguusapan ang mga artista, mga tatay na nagyayabangan sa anak, pero ang pinakamadalas kong makita e yung mga may mga sari-sariling mundo na pinangangambahan kong biglang atakihin sa puso o kaya ay atakihin ng pagka-bipolar nila.

MANONG TABI LANG PO.

7.09.2009

RUNNING FOR PRESIDENT

Apat na estudyante ang kasalukuyang nakatambay sa Anonas complex habang badtrip na badtrip sa kanilang kasama. Sa tagal ng katahimikan ay biglang naisip ang isang tropa na naisip namin na pwedeng pwede na maging presidente. Pinagana ang malawak na imahinasyon. Napapagtanto namin na pag siya ang naging presidente ng ating hikahos na bansa ay may posibilidad na umunlad at yumaman ang “three stars and one sun”.

Maguumpisa ang lahat sa
“PAGTITIPID”.

MGA BAGONG BATAS:

• Ang paggamit ng elektrisidad sa buong bansa ay magsisimula lamang mula ala-sais ng hapon. Isipin mo nalang kung gaano kalaki ang matitipid natin pag naipasa ang batas na ito, siguradong mababayaran na ang utang ng bansa. Magpapamigay ng pamaypay na may piktyur ng pangulo na naka-sign ng “pera” na naka todo ngiti pa.

• Ang murang pasahe sa mga pampublikong sasakyan. Ibabalik ang DOS SINGKWENTA (2.50php). Ipapatupad ito para tumigil na ang mga taong mahilig mag 1-2-3.

• Ang SHELL, PETRON, CALTEX, FLYING V, SEA OIL at iba pa ay siguradong malulugi dahil hindi na gagamit na gasoline ang mga sasakyan, ipapalaganap n ating pangulo ang paggamit ng naimbentong pamalit sa gaas na naimbento ng ating kababayan. Makabubuti ito sa ating kalusugan at pasado ito sa kampanya ng “CLEAN AIR ACT”.

• Tungkol naman sa paaralan lalo na sa mga kolehiyo. Ang mga canteen na may napakataas na bilihin ay otomatikong ipapasara. Papalitan ito ng mga abot presyong bilihin at hindi pwedeng mawala ang “CANDY” at may MAXIMUM OF THREE CANDIES PER DAY. Ito ang pinakamahigpit na ipapatupad.

• Ang mga drinking fountain ay ipapatanggal narin dahil mahina ito magsupply ng tubig. Papalitan ito ng gripo na maaaring inumin at pwede ding ipandilig sa mga halaman at maaari ding panlinis ng eskwelahan.

• Dahil may mga parte ng eskwelahan na madidilim merong mabibili sa canteen na mga kandila na mula sa korporasyon ng pangulo, ito lang ang kandilang maaaring ibenta sa buong bansa, dahil kung ang kandila ay galling sa ibang kumpanya at nasunog ang inyong bahay hindi kayo tutulungan ng ating mga bumbero.

• Ang ibibigay lang na baon ng mga magulang sa kanilang anak ay eksaktong pamasahe lang para diretso uwi na ito. Nang hindi na makagala at bawal ana bawal ang OVERNIGHT na pabor sa mga magulang dahil hindi na nila kelangan pang magbigay ng dagdag allowance na pinang papatak lamang sa mga inuman. Kung sino ang mahuli ay ikukulong para hindi matutong magsinungaling ang kanilang mga anak at hindi masangkot sa kahit anong gulo lalo na sa lansangan. Sa lansangan na paminsan minsan ay may bigla nalang nananapak.

• Ipagbabawal na ang mga HIPHOP o GHETTO na pang mahirap para mabawasa ang mga kabataang nagnanakaw para makabili lang ng BLING BLING. Maiiwasan na din ang mga nagrarayot sa frat.

• Ipagbabawal na din ang mga EMO MAHIRAP na mga dugyot tignan dahil nakakadagdag ito sa dumi ng kapaligiran. Bibigyan nalang sila ng blade ng pangulo para matapos na ang kanilang paghihirap at kalungkutan sa mundo.

• Ipagbabawal na din ang mga rap na kanta. Mga kanta ng TURTLECLUB ang magiging anthem ng Pilipinas para maging little Jamaica an gating bansa. Hindi tatanggalin ang rock, metal, alternaive, goth at iba pa basta hiphop lang aat rap na kanta ang bawal. Pwede na ding bumili ng mga pirata para makatipid.

• Ipapasara ang mga mamahaling restaurant, bilihan ng damit, at kung anu-ano pang hindi makatarungan ang presyo. Ang matitira lang ay ang Vans, Havaiannas, Fluid Surf, Mc Do, Jolibee, KFC,buy 1 take 1 na pizzahut, lollipop na pang pulutan, shawarma, Red horse, at mga ukay-ukay stores dahil ang lahat ng mga nabanggit ay bibilhin na ng korporasyon n gating pangulo at sa kanya nalang
tayo bibili.

• Madalas nating makakasalamuha ang pangulo sa mga nasabing pamilihan at kainan dahil pag day-off ay siya ang magtitinda para makatipid. Dadagsa ang mga murang tinda at pagkaen at mga tiangge na may presyong pang-MASA.

“ANG MGA MAHIHIRAP AY YAYAMAN.
ANG MGA MAYAYAMAN AY LALONG YAYAMAN
DAHIL SA PAGTITIPID O TRIPID. ”

Ang nasabing pangulo ay itatago nalang naming sa pangalang BRUNO.