Tandang tanda ko pa .. Nobyembre 29, 2007 yan ang eksaktong araw kung kalan sya napasaakin. Katatapos lamang ng MP3 fever (kung saan nauso ang 128mb 256mb at pag may 512mb ka ay sikat ka na at pag 1gb ay halimaw ka na..) I-out natin ang i-pod sa ating usapan dahil pang-mayaman lang ito at hindi ito afford ng masang pinoy. Mp4 naman ang sumunod na model, upgraded mp3 ito. Kolord na ang screen at pwede ng magplay ng video files at magview ng images. Mabangis. Marami ang mga kalalakihang nagpasalamat sa imbensyong ito dahil mas nadagdagan ang mga gadgets kung san sila pwedeng magplay ng porn vids. Anytime anywhere.
Malupet talaga ang mga instik, dahil hindi pa nakuntento sa MP4 kaya mas pinaganda pa ang mga features ng mp4, kaya nagkaron ng MP5. Ang MP5 may may built-in notepad at high quality na camera (pang daylight lang), video player for 3gp, nakababasa ng text file, may calculator, may built-in memory na 2gb, may memory card slot, games, rechargeable Li-ion battery, changeable themes, may speaker at pwedeng i-konek sa TV. Malupet. Hitik na hitik sa features.
Lahing MP5 ang aking nabili at siya ay si SUPER MP3. kelan ko lang siya napangalanan ng super mp3, mula ata nung bumaba na ang standards nya at medyo sumasama na ang tama nya sa madaling salita mula nung naging sirain na sya. Nagpasama ako sa isang kaybigan papuntang Raon. kilala ang raon na bagsakan ng mp3 series, cameras, iba’t-ibang musical instruments, cellphones, appliances, pati bilihan ng mga videoke nagkalat din doon. Siya ang tour guide ko. Tandang tanda ko pa ang layo ng aming nilakbay at kung paamo kami nakipag-tawadan sa mga tindero doon sa shop. Nakipagbolahan at nagnilaynilay, “2300php tapat na po.. wala na kaming tubo dyan.” Bueno mano daw kami kaya nakatawad din kami ng 200php ata.
Pinatos ko na dhail 2gb yon, sapat na dahil alam kong adik ako sa kanta. Tandang tanda ko pa, kinulang ako ng pamasahe dahil sinagad ko ang pera ko para mabili yon. Inatake ako ng pagka-impulsive buyer ko. Buong ipon ko ay isinugal ko para kay Super MP3 sa kabila nang ideyang kalidad China ito, sirain.. DISPOSABLE daw.
Pag may bagong gamit o gadget hndi tayo titigil hangga’t hindi natin ito nakakalikot ng husto at hindi nadidiscover ang buong features nito. Sabik nga. Hindi nakalusot sa ganoong kaugalian ang bagong bagong si Super Mp3. Piktyur dito, piktyur doon. Pose dito, pose doon. Bidyo dito, bidyo doon. Pindot ng pindot, di makuntento hangga’t hindi pa drain ang baterya. Araw-araw ay pagod sa iba’t-ibang activities ang aking alaga ayon mahigit isang buwan lang, nalaspag ang jack input para sa headphones pero naagapan naman ito dahil pinagawa ko ito sa doctor ng makina na matatagpuan sa: Ground floor building of Santa Lucia East Grandmall, beside Robinsons Metro East along Marcos highway road. For more info see flyers and posters for details. Chain reaction ang nangyari kay Super MP3 dahil sumunod na nasira ay ang down button navigation niya at di nagtagal ay sumunod si upper button. Sa kasamaang palad ay hindi o na sya napagamot dahil kasalukuyang tumitindi ang financial crisis na aking hinaharap. Bahala na, basta tumutugtog pa at naririnig ko pa ang tugtog yun ang mahalaga.
Kamakailan lang, nitong buwan ng hunyo nagsimula nang lumabas ang lahat ng saki ni Super MP3. Hindi ko sya masisi dahil alam kong medyo nagka-edad na sya, mahigit dalawang taon na din nya kong inaliw at napagsilbihan. Hinanda ko na ang aking sarili sa kanyang nalalapit na paglisan.
Binuksan ko sya para kamustahin, Sabay kaming nanggaling sa mahabang bakasyon at ilang araw ko din syang hindi nahawakan dahil ngayon ko lang ulit sya nai-charge. Sa una akala ko Ok pa sya..
“I’m a Barbie girl in a Barbie world..
It’s fantastic..
It’s fantasteeekkk--- eeekkk ----eeeeekkk..”
It’s fantastic..
It’s fantasteeekkk--- eeekkk ----eeeeekkk..”
. . .
At nag-hang na sya. Sinubukan ko pa syang ireset at ipukpok, at ganoon lang ulit ang nagyari. Kinonsulta ko din sya kay Mainframe (Ang Jurassic PC ko na mas mabagal pa sa snail mail) sinubukan ko syang maka-usap pa, ngunit ang nagawa lang ni Mainframe ay hawaan pa si Super MP3 ng virus na sandamakmak. Nag shutdown na ang system ni Super MP3. (patugtugin ang TAPS)
Ibinurol ko sya sa aking drawer na kung saan ay imbakan ko ng mga koleksyon kong kalat at iba pang paraphernalia’s. nakakalungkot dahil di ko na nagawang maiback-up ang mga kantang all time favorites ko, at ang nagawa ko nalang ay tanggapin ang pagkawala niya.
Tuwing gabi sya ang nagsisilbing sleeping ko. Pag hindi ako makatulog, sya ang karamay ko magdamag. Matibay sa puyatan si Super MP3 dahil di sya tulad ng iba na mabilis antukin. Nagsisimula na ang kanyang pagkanta pag 10pm at hihinto lang sya pag 6am na. Halo-halong genre ng kanta kaya nyang kantahin para sa akin. Salamat Super MP3.
Sa bawat kasiyahan ng Happyhorse, minsan ding nagging ikaw ang official camera ng tropa. Kahit niloko mo kami na 9 mega pixel ka at ang totoo’y VGA ka lang. Hindi ka lang pang-kamera, pang videos pa ! Salamat Super MP3.
Makisig ka dahil hindi lang kanta, images at videos ang kaya mong itago. Pati mga confidential files at kung anu-anong shits ay tinago mo padin. Pati nga virus inalagaan mo pa. Salamat Super MP3.
Dahil sayo, nainspired mong bumili ng kagaya mo si Puya. Nag depreciate na ang presyo mo ng mga panahong iyon, kaya naka-mura si puya ng onte sa pagbili ng MP5. Panibagong lalaspagin ng tropa. Salamat Super MP3.
Naniniwala ako sa re-incarnation kaya alam kong muling magbabalik si Super MP3, tulad ng nangyari kay Optimus Prime. Di ako titigil na umasa na isang araw ay magbabalik sya at sa muli ay tutugtugan niya ako ng:
“I’m a Barbie girl in a Barbie world..
It’s fantastic..
It’s fantastic! ”
. . .
RIP
(Return If Possible)
SUPER MP3
Nov 2007 – Jun 2009
It’s fantastic..
It’s fantastic! ”
. . .
RIP
(Return If Possible)
SUPER MP3
Nov 2007 – Jun 2009
nako :D namimiss ko tuloy yung unang mp3 ko
ReplyDeletePlaygroup Singapore