NOTICE TO THE BEANS:


ako ay kasalukuyang inaayos ang bagong lilipatan ng blog na ito.
http://beansrepublic.ning.com
underconstruction pa.
pero pwede na kayo magsign-up dun. salamat !


6.22.2009

GOLD SOUP FOR BEAN-SIZED SOUL



Isa sa mga kinaiinisan ko ay yung mga reach kid na pa-rich kid o yung mga rich kid na may “ di mo ma-reach sa sobrang rich effect” . Sila ang mga sumasanto sa mga bagay na nagmumuka ng atheist dahil ang mga bagay ang effigy ng kanilang relihiyon. Mga taong wala ng bukambibig kundi ang mga ga-piranggot na pagkain o mga damit na may presyong ginto. At ang mga taong nagmumuka nang baga dahil ginagawa na nilang pagkatao kung ano ang meron sila.


Napapaisip tuloy ako, pano kung biglang magkaroon ng climate change at kumpiskahin ang lahat ng assets ng mga mayayaman. Paano na kaya sila? Sino na sila pag nawala na mga pinagmamalaki nilang mga kayamanan? Siguro mas pipiliin nalang nilang magpakamatay kesa mabahiran ng kahirapan ang kanilang walang kalyong mga kamay. Wala na silang puwang sa mundo, mas ok na din yung magpakamatay sila atleast mababawasan mga nagpapahirap sa mga mahihirap. Pabor ako dun.



Nanghihinayang ako sa mga bawat gamit na wala namang kinalaman sa kampanya ng anti-global warming na kung saan ang presyo ay mala-ginto. Kung susumahin sapat na ito para mapakain sa dalawang buwan ang isang hikahos na pamilya. Sayang.



Nanghihinayang ako sa bawat maninipis at maiiksing tela na katumbas na ng kumot at isang kahon na ng baru-baruan para sa mga sanggol. Mga pampaganda na libo libo ang halaga na hindi parin epektibo para mag mukha silang dyos o dyosa. Bakit di nalang kaya nila kaskasin ang mukha nila para kuminis at gumanda? Sapat na iyon para sa isang malawakang feeding program para sa mga out of school youth na mga bata. Sayang.



Higit sa lahat lubos ang pang hiinayang ko sa mga kapirasong mga pagkain na ang presyo ay hindi makatarungan. Lalo na kung di man lang ito umaabot sa kalamnan ng isang payatot na may bitukang pang construction worker. Kung magiging praktikal lang sana, kaya na nitong pondohan ng nang katerbang alak ang mga barkadang mangi-nginom, mapapagapang mo pa sa kalasingan, pwede ka pa makapag prodyus ng lugaw dahil dito. Pwede mong ibenta kung may bibili. multiple benefits. INSTANT BUSINESS.



Marami kang mapapasaya kung gugustuhin mo, marami kang matutulungan kung bukal talaga sa loob mo ang pagtulong at marami kang matutulungan kung isasantabi mo ang kayabangan at pagkagahaman mo. Imbes na pinagyayabang mo ang bagong tamagotchi mo o yang macbook mo, aba ipang inom nalang natin yan. Ebribadi happy pa.



Kahit inumin mo pa ang pinakamahal na kape at suki ka man ng pinaka mahal na tinapay sa poso negro parin ang final destination ng mga yan. Kahit gano ka pa kayaman di mo madadala sa impyerno yan. Bumili ka man ng pinakamahal na sapin sa paa, saplot sa katawan at pang retoke sa mukha, kung hipon ka naman din na mababago yon (sige tempura nalang para medyo sosyal).



Tandaan mo hindi dapat mahalin ang mga bagay at lalong hindi tama na ituring mong bagay ang mga tao. Madalas kasi nababaligtad natin, na mi-miss place natin ang dalawa. Hindi tayo tao at hindi rin tayo bagay. Kalahating hayop tayo. Hitsurang tao pero asal hayop. Sige magmalinis ka. Bahala ka. Liars go to hell.


---
SCRYholik



ALL THE SINGLE LADIES, PLEASE STAND UP !


TOP REASONS NG PAGIGING SINGLE

· Desting Adik - bahala na ang tadhana. Ito siguro ang epekto ng sobrang panunuod ng mga fairytales, telenovela, koreanovela at mga jdorama.

· Perfectionist - gusting jowa ata eh yung mala dyos at dyosa. Kung kahawig mo naman si diego at naghahangad ka ng kamunka ni brad pitt aba’t talagang tatanda kang single. Makuntento sa kamuka ni mura o ni mahal.

· Busy-busyhan - masyadong workaholic o priority ang pag-aaral kaya wala nang oras para makahanap ng jowa.

· Friendship theory - secretly inlove sa friend. Kuntento na kunyare sa pagiging tropa. Pero iiyak iyak pag naunahan ng iba.

· The one – nahuhumaling sa idea ng single-blessedness. Skies the limit nga naman kase. Walang magpapasakit ng ulo at puso.

· Free taste - tikim-tikim lang muna. Walangsabit, walang commitment.

· Wrong place/wrong time – maling lugar sa maling panahon. Maghihintay ng tamang panahon para makadiskarte.

· Rated PG (parental guidance) – depende kay mommy at daddy. O baka bata pa. mas mabuting mag-arl muna dahil baka mapa-aga ang pagaasawa.

· Traumatic experience – nasaktan ng bonggang bongga kaya natatakot na muling sumabak sa pag-ibig.

· EX to the Nth power - kunwaring naka move-on na kay ekis pero sya padin ang gusto.

BENEFITS NG PAGIGING SINGLE

· Bigger savings – walang palamunin, walang reregaluhan at walang sakit sa bulsa dahil sarili mo lang ang gagastusan mo. wala ding compulsory ng paglo-load hindi mo na kaylangang mag-unli para i-update lahat ng pinaggagawa mo sa syota mo.

· Party people – walang magaglit kung makikipag kaybigan ka o ka-ibigan ka sa mga bago mong nakikilala. Pwedeng pwede kahit sa half-pinoy at half-pinay.

· No‘PAALAM MUNA’ rule - pwedeng makipag-inuman sa tropa o pumunta kahit saang lupalop ng mundo dahil walang maghahanap sayo.

· Free from ‘pa-pugee’ effect – di mo na kaylangang maging conscious sa hitsura mo. hindi na kaylangang lawayan pa ang kilay para magmukhang makisig. Hindi ka na din gagastos sa mga damit para maging presentable palagi ang porma mo sa syota mo.

· Painless – walang mang-aaway sayo, wala din mang aalipin sayo at walang magmamaltrato sa puso mo. ligtas ka sa emotional at higit sa lahat physical abuse .

---
SCRYholik

6.06.2009

ANG MONSTER


Maganda ang aking gising sa umagang ito. Hindi puyat at hindi pa gaanong busog ang aking mga matang kahit dilat na dilat ay napagkakamalang sabog. Masigla ang awrang bumabalot sa aking paligid, medyo kumakati din ang ingrown ng aking mga kuko kaya naman naisip ko na magiging maswerte ang araw na ito. Bumangon na ako at nagkuskos ng isang kutsaritang morning glory (muta pag di maselan mga kasambahay mo).Tulad ng nakagawiang buhay nating mga dukha heavy-meals-three-times-a –day (light heavy meal sa agahan, super heavy meal sa tanghali at light feather meal sa gabi), light heavy meal ang almusal ko. SOLB SOLB.

Nakarating ako sa esKWELA-han ng mapayapa, TAKE NOTE: di ako late. Hindi rin ako masyadong naalikabukan at nausukan dahil sa harap ako nkaupo kanina sa dyip. Swerte talaga ako ngayon sabay ngiti na parang kinikilig.

Unang klase. Ayos na ayos dahil sa air conditioned room kami. Tamang diskasyon sa pagyayabang ang aming propesor na ganto ang litanya: “Hindi sa pagmamayabang pero puro lang naman singko ang grado ko” (doon daw sya sa DLSU nagtapos). Dahil estudyante lang kami bawal umangal o mag violent reaction , ang choice lang ay ang makinig kami. Ok na din kasi di ako tinawag para tanungin ng kung anu-anong tanong tungkol sa parte ng kompyuter. Malamang magmo-monumento ako nun.

Ikalawang klase. Sa air conditioned room ulit kami. Sulit na ang bayad sa tuition, di pa ko pagpapawisan. Ang swerte ko talaga ngayon ! Medyo naging boring ang kwento ng propesora namin, kaya naman kami-kaming magkakaklase nalang ang nagbolahan sa loob ng isang oras at higit sa nakakabagot na klase. At sa isang iglap ay bigla nalang akong kinabahan. Tumayo ang bawat balahibo ko sa katawan at ang pakiramdam ko ay bigla akong nanlamig kasabay din nito ang pagdilim ng aking paningin. Masama ito. May nakaambang panganib. May monster na nakakulong sa aking murang katawan.

Tyumempo ako kung paano ako makakasibat ng hindi namamalayan ng aking mga kasama. Kailangan ko ng makauwi ng bahay sa lalong madaling panahon, wala nang anu-anu pa. Nag ala-ninja ako para hindi ako mapansin sa aking pag-alis. Kahit ano ang aking galling sa pagbabalat-kayo ay sumasablay padin. Marami parin ang mga kakilala na napapansin ako at magtatanong ng mga napakawalang kwentang tanong . No choice ganto siguro talaga pag sikat gagawin nilang lahat ang paraan makausap lang ako. (SFX: kulog at kidlat)

Mabilis pero kalmado ang aking pagtakbo hanggang marating ko ang abangan ng dyip .

Amazing race ang drama ko, hindi alam ng kahit sino kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon, walang may alam kung anong hinagpis ang nagpapahirap sa akin ngayon. Wala wala wala kahit isa. Pasan ko ang mundo.

Patok na bulok ang aking pinatos na sakyan. Umaga palang kaya naman halos walang pasahero ang dyip na iyon. Sa may bandang gitna ako pumwesto para maibalanse ko ng tama ang aking katawan. Kaso sa isang kisapmata ay parang pinagtaksilan na ako ng swerte at niyakap ako ng malas. Hapit sa pasahero si manong drayber, maya’t maya ay humihinto para humakot ng pasahero na kahit alam naman ng niyang na di sasakay ay hinihintuan pa din. Kinailangan ko tuloy hugutin ang mga nakaimbak kong pasensya sa gilid gilid ng aking mga taba. Napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong sa sandaling maghisterikal ako ay baka may kung anong biglang kumawala sa aking katawan. Matagtag ang dyip kaya naman nadagdagan ang tensyon na bumabalot sa akin, sana may kapagyarihan ako para magteleport wala na sana akong problema ngayon.

Sa kalagitnaan ng mahabang paglalakbay ko ay biglang humilab ang aking kalamnan. Alam kong hindi ito dahil sa gutom kaya naman buong pigil kong pinatigas ang aking tyan para maiwasan ang paglabas ng monster. Isang masamang hangin kumawala sa akin. Buti nalang hindi sumama ang monster. Medyo bumilis na ang byahe, narinig ata ni Bro ang aking dalangin. Thanks bro ! you’re the man ! kahit papano ay may pag-asa nang nagpatibay sa akin. Malapit na ako sa aming bahay at malapit na din akong umupo sa trono. Kulang kulang isang oras ay nakababa na din ako sa bulok na dyip na hapit sa pasahero na sana ay mabutas ang gulong at mag overheat ang makina para hindi na makapasada.

Nakaabot ako ng ligtas sa terminal ng traysikel. Onting tiis na lang matatapos na ang paghihirap ko. Onting tiis din dahil lubak ang daan malapit sa bahay (wag muna sana lumabas ang monster). Sumakay na ako sa traysikel at sa ilang sandali ay umarangkada na ito. Mahigpit ang kapit ko sa bakal na kapitan para makontrol ko ang katawan ko at di ito masyado matagtag.

Ako’y nakababa na, at ilang hakbang pa ay nasa bahay na ako. Muli ay naglakad ako ng marahan hanggang matunton ko ang gate ng bahay. Walang usap usap ay tinakbo ko agad ang banyo. At ako’y umupo na sa tronong kanina ko pa inaasam-asam.

“prrooooooottttt ! “

*pause*

Langit ang aking naramdaman habang nilalabas ko lahat ng monster na nabuo sa aking katauhan.

Naisip ko maswerte padin ako, nakaabot ako.

---

SCRYholik