NOTICE TO THE BEANS:


ako ay kasalukuyang inaayos ang bagong lilipatan ng blog na ito.
http://beansrepublic.ning.com
underconstruction pa.
pero pwede na kayo magsign-up dun. salamat !


6.06.2009

ANG MONSTER


Maganda ang aking gising sa umagang ito. Hindi puyat at hindi pa gaanong busog ang aking mga matang kahit dilat na dilat ay napagkakamalang sabog. Masigla ang awrang bumabalot sa aking paligid, medyo kumakati din ang ingrown ng aking mga kuko kaya naman naisip ko na magiging maswerte ang araw na ito. Bumangon na ako at nagkuskos ng isang kutsaritang morning glory (muta pag di maselan mga kasambahay mo).Tulad ng nakagawiang buhay nating mga dukha heavy-meals-three-times-a –day (light heavy meal sa agahan, super heavy meal sa tanghali at light feather meal sa gabi), light heavy meal ang almusal ko. SOLB SOLB.

Nakarating ako sa esKWELA-han ng mapayapa, TAKE NOTE: di ako late. Hindi rin ako masyadong naalikabukan at nausukan dahil sa harap ako nkaupo kanina sa dyip. Swerte talaga ako ngayon sabay ngiti na parang kinikilig.

Unang klase. Ayos na ayos dahil sa air conditioned room kami. Tamang diskasyon sa pagyayabang ang aming propesor na ganto ang litanya: “Hindi sa pagmamayabang pero puro lang naman singko ang grado ko” (doon daw sya sa DLSU nagtapos). Dahil estudyante lang kami bawal umangal o mag violent reaction , ang choice lang ay ang makinig kami. Ok na din kasi di ako tinawag para tanungin ng kung anu-anong tanong tungkol sa parte ng kompyuter. Malamang magmo-monumento ako nun.

Ikalawang klase. Sa air conditioned room ulit kami. Sulit na ang bayad sa tuition, di pa ko pagpapawisan. Ang swerte ko talaga ngayon ! Medyo naging boring ang kwento ng propesora namin, kaya naman kami-kaming magkakaklase nalang ang nagbolahan sa loob ng isang oras at higit sa nakakabagot na klase. At sa isang iglap ay bigla nalang akong kinabahan. Tumayo ang bawat balahibo ko sa katawan at ang pakiramdam ko ay bigla akong nanlamig kasabay din nito ang pagdilim ng aking paningin. Masama ito. May nakaambang panganib. May monster na nakakulong sa aking murang katawan.

Tyumempo ako kung paano ako makakasibat ng hindi namamalayan ng aking mga kasama. Kailangan ko ng makauwi ng bahay sa lalong madaling panahon, wala nang anu-anu pa. Nag ala-ninja ako para hindi ako mapansin sa aking pag-alis. Kahit ano ang aking galling sa pagbabalat-kayo ay sumasablay padin. Marami parin ang mga kakilala na napapansin ako at magtatanong ng mga napakawalang kwentang tanong . No choice ganto siguro talaga pag sikat gagawin nilang lahat ang paraan makausap lang ako. (SFX: kulog at kidlat)

Mabilis pero kalmado ang aking pagtakbo hanggang marating ko ang abangan ng dyip .

Amazing race ang drama ko, hindi alam ng kahit sino kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon, walang may alam kung anong hinagpis ang nagpapahirap sa akin ngayon. Wala wala wala kahit isa. Pasan ko ang mundo.

Patok na bulok ang aking pinatos na sakyan. Umaga palang kaya naman halos walang pasahero ang dyip na iyon. Sa may bandang gitna ako pumwesto para maibalanse ko ng tama ang aking katawan. Kaso sa isang kisapmata ay parang pinagtaksilan na ako ng swerte at niyakap ako ng malas. Hapit sa pasahero si manong drayber, maya’t maya ay humihinto para humakot ng pasahero na kahit alam naman ng niyang na di sasakay ay hinihintuan pa din. Kinailangan ko tuloy hugutin ang mga nakaimbak kong pasensya sa gilid gilid ng aking mga taba. Napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong sa sandaling maghisterikal ako ay baka may kung anong biglang kumawala sa aking katawan. Matagtag ang dyip kaya naman nadagdagan ang tensyon na bumabalot sa akin, sana may kapagyarihan ako para magteleport wala na sana akong problema ngayon.

Sa kalagitnaan ng mahabang paglalakbay ko ay biglang humilab ang aking kalamnan. Alam kong hindi ito dahil sa gutom kaya naman buong pigil kong pinatigas ang aking tyan para maiwasan ang paglabas ng monster. Isang masamang hangin kumawala sa akin. Buti nalang hindi sumama ang monster. Medyo bumilis na ang byahe, narinig ata ni Bro ang aking dalangin. Thanks bro ! you’re the man ! kahit papano ay may pag-asa nang nagpatibay sa akin. Malapit na ako sa aming bahay at malapit na din akong umupo sa trono. Kulang kulang isang oras ay nakababa na din ako sa bulok na dyip na hapit sa pasahero na sana ay mabutas ang gulong at mag overheat ang makina para hindi na makapasada.

Nakaabot ako ng ligtas sa terminal ng traysikel. Onting tiis na lang matatapos na ang paghihirap ko. Onting tiis din dahil lubak ang daan malapit sa bahay (wag muna sana lumabas ang monster). Sumakay na ako sa traysikel at sa ilang sandali ay umarangkada na ito. Mahigpit ang kapit ko sa bakal na kapitan para makontrol ko ang katawan ko at di ito masyado matagtag.

Ako’y nakababa na, at ilang hakbang pa ay nasa bahay na ako. Muli ay naglakad ako ng marahan hanggang matunton ko ang gate ng bahay. Walang usap usap ay tinakbo ko agad ang banyo. At ako’y umupo na sa tronong kanina ko pa inaasam-asam.

“prrooooooottttt ! “

*pause*

Langit ang aking naramdaman habang nilalabas ko lahat ng monster na nabuo sa aking katauhan.

Naisip ko maswerte padin ako, nakaabot ako.

---

SCRYholik

No comments:

Post a Comment