8 years ago
NOTICE TO THE BEANS:
ako ay kasalukuyang inaayos ang bagong lilipatan ng blog na ito.
http://beansrepublic.ning.com
underconstruction pa.
pero pwede na kayo magsign-up dun. salamat !
6.22.2009
GOLD SOUP FOR BEAN-SIZED SOUL
Isa sa mga kinaiinisan ko ay yung mga reach kid na pa-rich kid o yung mga rich kid na may “ di mo ma-reach sa sobrang rich effect” . Sila ang mga sumasanto sa mga bagay na nagmumuka ng atheist dahil ang mga bagay ang effigy ng kanilang relihiyon. Mga taong wala ng bukambibig kundi ang mga ga-piranggot na pagkain o mga damit na may presyong ginto. At ang mga taong nagmumuka nang baga dahil ginagawa na nilang pagkatao kung ano ang meron sila.
Napapaisip tuloy ako, pano kung biglang magkaroon ng climate change at kumpiskahin ang lahat ng assets ng mga mayayaman. Paano na kaya sila? Sino na sila pag nawala na mga pinagmamalaki nilang mga kayamanan? Siguro mas pipiliin nalang nilang magpakamatay kesa mabahiran ng kahirapan ang kanilang walang kalyong mga kamay. Wala na silang puwang sa mundo, mas ok na din yung magpakamatay sila atleast mababawasan mga nagpapahirap sa mga mahihirap. Pabor ako dun.
Nanghihinayang ako sa mga bawat gamit na wala namang kinalaman sa kampanya ng anti-global warming na kung saan ang presyo ay mala-ginto. Kung susumahin sapat na ito para mapakain sa dalawang buwan ang isang hikahos na pamilya. Sayang.
Nanghihinayang ako sa bawat maninipis at maiiksing tela na katumbas na ng kumot at isang kahon na ng baru-baruan para sa mga sanggol. Mga pampaganda na libo libo ang halaga na hindi parin epektibo para mag mukha silang dyos o dyosa. Bakit di nalang kaya nila kaskasin ang mukha nila para kuminis at gumanda? Sapat na iyon para sa isang malawakang feeding program para sa mga out of school youth na mga bata. Sayang.
Higit sa lahat lubos ang pang hiinayang ko sa mga kapirasong mga pagkain na ang presyo ay hindi makatarungan. Lalo na kung di man lang ito umaabot sa kalamnan ng isang payatot na may bitukang pang construction worker. Kung magiging praktikal lang sana, kaya na nitong pondohan ng nang katerbang alak ang mga barkadang mangi-nginom, mapapagapang mo pa sa kalasingan, pwede ka pa makapag prodyus ng lugaw dahil dito. Pwede mong ibenta kung may bibili. multiple benefits. INSTANT BUSINESS.
Marami kang mapapasaya kung gugustuhin mo, marami kang matutulungan kung bukal talaga sa loob mo ang pagtulong at marami kang matutulungan kung isasantabi mo ang kayabangan at pagkagahaman mo. Imbes na pinagyayabang mo ang bagong tamagotchi mo o yang macbook mo, aba ipang inom nalang natin yan. Ebribadi happy pa.
Kahit inumin mo pa ang pinakamahal na kape at suki ka man ng pinaka mahal na tinapay sa poso negro parin ang final destination ng mga yan. Kahit gano ka pa kayaman di mo madadala sa impyerno yan. Bumili ka man ng pinakamahal na sapin sa paa, saplot sa katawan at pang retoke sa mukha, kung hipon ka naman din na mababago yon (sige tempura nalang para medyo sosyal).
Tandaan mo hindi dapat mahalin ang mga bagay at lalong hindi tama na ituring mong bagay ang mga tao. Madalas kasi nababaligtad natin, na mi-miss place natin ang dalawa. Hindi tayo tao at hindi rin tayo bagay. Kalahating hayop tayo. Hitsurang tao pero asal hayop. Sige magmalinis ka. Bahala ka. Liars go to hell.
---
SCRYholik
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment