NOTICE TO THE BEANS:


ako ay kasalukuyang inaayos ang bagong lilipatan ng blog na ito.
http://beansrepublic.ning.com
underconstruction pa.
pero pwede na kayo magsign-up dun. salamat !


2.26.2009

NATURAL BA ANG PAGIGING MABAIT?


Sabi ng nakararami mabait lang daw ang tao sayo pag may kailangan sila o pabor na hihilingin
at pag nakuha na ang gusto nila at masaid na ang lahat ng mahihita sayo parang basura ka nalang nilang itatapon, pagkatapos nun hindi ka na kilala para na silang sikat na artista. Kawayan mo man o ngitian hindi ka na papansinin. totoo ba yun?

Halimbawa nalang pag may nangangampanya na kandidato sa eleksyon, andyan yung namimigay ng pamaypay, t-shirt, shorpet, good morning towel na syempre may pangalan nila na naka bold letters pa o kaya naman ay picture nila na kasama ang buong pamilya.Meron ding mga free hug, free kiss, at free holding hands sa kandidato, sila ang star sa ating buhay. Andyan din yung nagaabot ng pang-mirienda, may nagbibigay ng bola ng basketball at volleyball na mababa ang kalidad with free net pa. Meron ding mga bigtaym na kandidato na nagpapagawa ng court o kaya feeding program sa mga matatakaw. Para silang sugo ng langit na magliligtas sa atin sa kahirapan , susugpuin ang nga masasamang tao at ipagtatanggol tayo sa mga nang-aapi.

Kaso hindi ganun ang kalakaran. Sa lahat ng magandang loob na ginawa nila ay may kalakip na kapalit. Simple lang naman , isusulat natin ang gwapong gwapo na pangalan nila sa balota. Pag nanalo na, kadalasan parang nagkakaron na ang sugo ng langit ng amnesia. Mga ilang buwan pa ang tumagal hindi mo man aminin di na kayo klows, di na nea kayo kilala kasi celebrity na sila sa politika.

Andyan na yung mga pangakong napako at nabaon na sa limot. Tapos na ang termino nila pero yung pangako nila pending parin, hanggang drawing nalang. At tayo? patuloy tayong umaasa at nagbabakasakali na maambunan ng onting biyaya mula sa kanila dahil alam nating mabait sila, aasa tayo kahit napakalabo ng mangyari yun.

Sa ating mga estudyante may mga ganyan ding senaryo. Subukan mo lang magdala ng isang buong pad paper, pag may quiz tignan mo magbabago ang mundo mo. magiging instant celebrity ka, dadami ang superfriends mo at bigla kang gaganda o gagwapo sa paningin ng lahat ng mga klasmeyt mong tamad magdala ng papel. Pero pag naubos na ang papel mo para ka na ding nawalan ng sandata sa gyera ng papogian. Wala na hidi na kayo klows ng mga instant friends mo di ka na din nila kilala.

Pag mapera ka ikaw ang hari, ikaw ang diyos. Andyan ang mga kaybigan mong kabute para makipagliwaliw sayo. Ikaw lagi ang bida sa palabas at lahat ay mabait sayo. Pero tignan mo pag gipit ka na at baon sa problema , siguro sa isang dosenang kaybigan mo baka isa lang ang maging kampi mo sa kalungkutan o baka wala pa kahit isa. Nakakalungkot isipin pero ganun talaga.

Pero dapat na din tayo magpasalamat sa kanila kahit masaklap isipin ang katotohanan, syempre dinamayan tayo sa panahong ng kasiyahan. kahit pano binahagian nila tayo ng oras nila at pinasaya tayo sa sandaling panahon. tama?

" ay teka me pera ka ba dyan? parang ang ganda ng porma mo ngayon ah ! pautang naman o, bente lang pang internet ko. bayadan din kita bukas pramis ! "


---
SCRYholik

Love Letter ni Liza

Dear berto,

Pinagsisisihan ko na ang pambasted ko sayo ng sampung beses, tinetesting ko lang talaga ang pasensya mo nung sinabihan kitang mukha kang bakulaw , bungal at napakabaho mo.

Tanggap ka naman ng magulang ko. Naalala mo pa ba nung tinaga ka at binaril ni itay hindi nya sinasadya yon , napagkamalan ka kasi nyang adik ng mga panahong iyon.
Pasensya na din nung nasabuyan ka ni Inay ng asido at pinahabol sa aming bulldog , ganun talaga sya makipagbiruan sa mga manliligaw ko na dumadalaw dito sa bahay.

Naalala mo din ba nung binugbog ka ng mga kuya ko hanggang sumuka ka ng dugo at pasabugan ng boga sa mukha noong bagong taon? . Maharot kasi talaga mga yon pero mababait sila. Minsan nga nakikipaglaro pa sila ng darts sa mga manliligaw ko, ung ulo nila ung ginagawang target. Ang sweet nila noh?

Nga pala barkada ko yung nakita mong kahalikan ko nung isang araw pasensya na kung napagsarhan kita ng pinto. Wag ka sana maniwala sa mga sabi sabi ng mga tsismosa nating kapitbahay na kulang nalang ay ibaon kita sa lupa dahil hindi totoo yun.

Bawat segundo ikaw ang nasa isip ko kahit sa panaginip ikaw ang nakikita ko. Ikaw at ikaw lang Berto ang nandito sa ng aking puso. Hindi ako mabubuhay ng wala ka.


Nagmamahal ng lubos,
Liza

ps: uy ! congrats nga pala nanalo ka daw sa lotto ng 350milyon !
i love you so much Berto !

SAKAY KA LANG


Kahit gaano ka man kalalim ang galit na nararamdaman mo ngayon, kahit gano mo ka ayaw pakawalan ang isang bagay darating ang panahon na wala kang magagawa kundi pakawalan ito at tanggapin ang masaklap na katotohanan.

Patuloy ang pagtakbo ng oras, hindi ito titigil kung kelan gustuhin, walang stop over walang overtime at higit sa lahat bawal ka mag- pass.

Makikisakay ka sa trip ng plastik na mundo sa ayaw mo o sa ayaw mo man no choice dapat ka makipaglaro sa kanila. Pwede kang lokohin, pwede ka pasayahin ng panandalian at nasa sayo yun kung dadamdamin mo ang lahat na nangyari sayo. Magpatuloy ka lang : tumawa ka kung may nakakatawa, magpakasaya ka kasama ang mga nagpapahalaga sayo,
umiyak ka kung nalulungkot ka, magalit ka pag nanenok bolpen mo.

Pero dapat alam mo dapat kung kailan ka titigil ka kahibangan mo.
walang mangyayari sayo kung magkukulong ka sa isang sulok habang dinidibdib ang bawat kabiguan mo o ang mga bagay na naibaon na sa limot.

---

Moon Go

WALA

Isang araw na naman ang natapos, eto parin ako mukhang nakagapos at namamaos.
Walang magawa kaya nakatulala habang nakahilata na nagmumukhang tanga.
Para akong sira na hindi makawala sa mundong nawawala at nangangamba sa bukas na nakahanda.
Isang bukas na wala paring gagawin kundi ang wala wala at wala.
Ako ay nawawala dito sa mundong tulala na tanging hiling ay makawala dito sa sarili kong nawawala at tulala.

---------------



Sa pag ikot nang mundo andidito ako sa dulo at nahihilo. Nagiisip ng kung ano.
Para san ba ito? Ah wala , sanhi lang to ng pagkahilo ko. Tingin mo magkaparehas kaya tayo?
Sa paghinto nang pag-ikot nito pareparehas tayong magugulo kaya kung ako sayo tumabi ka at maupo tayo.

---
rhons

2.23.2009

ANG MGA PUDPOD NA ARAL SA FVCK-IBIG


** HiNDi KA GENiE ;

Di tama na ibiggay mo ang lahat ng gusto nya; LOAD, GADGETS, PAGKAEN, ALAHAS, DAMIT, PANG-DOTA, PAMASAHE, PAMBAON, PAMPAARAL, O KAHIT ANG LIFE PLANS ng karelasyon mo at magmukang sugar mommy nea o D.O.M. (Dirty Old Man).

Lalong hindi tama ang ipagpalit ang tunay mong mga tropa, kainuman, ka-dota, kakosa, kampi dahil lang pinagbabawalan ka nya sumama sa kanila o kung anumang rason para di makasama sa kanila. Ok lang kung pa-pass ka paminsan minsan sa mga super friends pero pag napapadalas na ang minsan .. DI NA TAMA YON !

Sa huli pag-iniwan kana, saka mo mapapagtanto kung ano mga nwala sayo. Mga pagkakataon na nasayang dahil lang sa kanya. Magugulat ka nalang LONER kana pala.

** KASiNG TAMiS MAN NG ASUKAL, HiNDi PARiN GARANTiSADO ;

Lahat ng tao pwedeng maging "SWEET" kung gugustuhin nila, tulad na lang nang pambobola nila sa umpisa at pagbabalat-kabayong sila ay anghel o taong asukal.Mahirap at napakahirap kasi pag nasanay na sa ganung sistema, lalo na pag bigla silang tumigil na walang sapat na dahilan.

Makikita mo nalang ang sarili mo nakaupo sa isang sulok, nakayuko, at one-side ang buhok habang inaalala mo ang mga masasayang nangyari sa inyo.

** MAGING ALERTO, DEPENSA LANG !

Huwag isantabi ang pamahiin lalong lalo na ang horoscope. Wag din isnob-in ang mga hinala, napupuna, kutob o mga isyu na sangkot sya. Hindi naman kawalang-tiwala ang ibig sabihin nito, ang tawag dun ay magiging 'alerto' .

Hayaan mong patunayan nya na mali ang nasa isip mo. Dahil kung mahal ka talaga nya gagawa at gagawa at gagawa sya ng paraan para patunayan sayo na mali ang taya mo sa lotto :) pero kung di sya gumawa ng aksyon,mag isip isip ka na.


** MAKiPAG KAYBiGAN, HiNDi KAiBiGAN ;

Hindi porke 'committed na' di na pwedeng makipag kaibigan este kaybigan pala!. Walang masama kung i-expose ang sarili sa ibang tao o alien, basta eto lang ung rule "Alam mo dapat ang Limitasyon mo".

Makipag inuman kung me session, makipag jamming kung me nakatakdang gig, makipag kwentuhan kung me tsismis, makipagpustahan sa DOTA o kahit anong trip mo basta wag mo lang kakalimutan kung sino ang kayabigan mo sa kaibigan mo. *wiwit*

**NO EXCUSES :

Gano man ka hektik ang sked nya dahil sa sandamakmak na skoolworks, orgs, banda, dota, EB sa clans, bonding sa tropa, pagsshopping, o sa pageembalsamador. Kung desidido sya na paglaanan ka ng panahon gagawa yan ng paraan para magkaoras para sayo.

HINDI DAHIL RESPONSIBILIDAD KA NYA, pero subalit datapwat ginusto nya na pag-ukulan ka ng panahon kahit saglit at alam nyang ikakasaya nya ang makasama ka.

TAMA ! TAMA !




---
SCRYholik

***sagot sa kung " sino ang drayber "

INA ng bata ang drayber.

hindi lahat ng drayber ay lalake :)

TAMA BA ?