8 years ago
NOTICE TO THE BEANS:
ako ay kasalukuyang inaayos ang bagong lilipatan ng blog na ito.
http://beansrepublic.ning.com
underconstruction pa.
pero pwede na kayo magsign-up dun. salamat !
2.26.2009
NATURAL BA ANG PAGIGING MABAIT?
Sabi ng nakararami mabait lang daw ang tao sayo pag may kailangan sila o pabor na hihilingin
at pag nakuha na ang gusto nila at masaid na ang lahat ng mahihita sayo parang basura ka nalang nilang itatapon, pagkatapos nun hindi ka na kilala para na silang sikat na artista. Kawayan mo man o ngitian hindi ka na papansinin. totoo ba yun?
Halimbawa nalang pag may nangangampanya na kandidato sa eleksyon, andyan yung namimigay ng pamaypay, t-shirt, shorpet, good morning towel na syempre may pangalan nila na naka bold letters pa o kaya naman ay picture nila na kasama ang buong pamilya.Meron ding mga free hug, free kiss, at free holding hands sa kandidato, sila ang star sa ating buhay. Andyan din yung nagaabot ng pang-mirienda, may nagbibigay ng bola ng basketball at volleyball na mababa ang kalidad with free net pa. Meron ding mga bigtaym na kandidato na nagpapagawa ng court o kaya feeding program sa mga matatakaw. Para silang sugo ng langit na magliligtas sa atin sa kahirapan , susugpuin ang nga masasamang tao at ipagtatanggol tayo sa mga nang-aapi.
Kaso hindi ganun ang kalakaran. Sa lahat ng magandang loob na ginawa nila ay may kalakip na kapalit. Simple lang naman , isusulat natin ang gwapong gwapo na pangalan nila sa balota. Pag nanalo na, kadalasan parang nagkakaron na ang sugo ng langit ng amnesia. Mga ilang buwan pa ang tumagal hindi mo man aminin di na kayo klows, di na nea kayo kilala kasi celebrity na sila sa politika.
Andyan na yung mga pangakong napako at nabaon na sa limot. Tapos na ang termino nila pero yung pangako nila pending parin, hanggang drawing nalang. At tayo? patuloy tayong umaasa at nagbabakasakali na maambunan ng onting biyaya mula sa kanila dahil alam nating mabait sila, aasa tayo kahit napakalabo ng mangyari yun.
Sa ating mga estudyante may mga ganyan ding senaryo. Subukan mo lang magdala ng isang buong pad paper, pag may quiz tignan mo magbabago ang mundo mo. magiging instant celebrity ka, dadami ang superfriends mo at bigla kang gaganda o gagwapo sa paningin ng lahat ng mga klasmeyt mong tamad magdala ng papel. Pero pag naubos na ang papel mo para ka na ding nawalan ng sandata sa gyera ng papogian. Wala na hidi na kayo klows ng mga instant friends mo di ka na din nila kilala.
Pag mapera ka ikaw ang hari, ikaw ang diyos. Andyan ang mga kaybigan mong kabute para makipagliwaliw sayo. Ikaw lagi ang bida sa palabas at lahat ay mabait sayo. Pero tignan mo pag gipit ka na at baon sa problema , siguro sa isang dosenang kaybigan mo baka isa lang ang maging kampi mo sa kalungkutan o baka wala pa kahit isa. Nakakalungkot isipin pero ganun talaga.
Pero dapat na din tayo magpasalamat sa kanila kahit masaklap isipin ang katotohanan, syempre dinamayan tayo sa panahong ng kasiyahan. kahit pano binahagian nila tayo ng oras nila at pinasaya tayo sa sandaling panahon. tama?
" ay teka me pera ka ba dyan? parang ang ganda ng porma mo ngayon ah ! pautang naman o, bente lang pang internet ko. bayadan din kita bukas pramis ! "
---
SCRYholik
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment