NOTICE TO THE BEANS:


ako ay kasalukuyang inaayos ang bagong lilipatan ng blog na ito.
http://beansrepublic.ning.com
underconstruction pa.
pero pwede na kayo magsign-up dun. salamat !


11.11.2009

DEFINE: IMBA.


PARA SA MGA DI NAKAKAALAM KUNG ANO ANG IMBA. :DD

10.10.2009

SINO ANG MANLOLOKO

Sino ba ang tunay na nanloloko?

ang taong nagiisip manloko o yung taong nagpapaloko.

Nanloloko ang manloloko dahil alam niyang may maloloko siya.

Sino ba ang tunay na manloloko?

Ang taong nanloloko na hindi alam na ang sarili pala niya

Ang kanyang niloloko o

Ang taong nagpapaloko kahit alam niyang niloloko na.

Bakit ba may nagpapaloko kung pwede din naman siyang manloko.

Sino ang tunay na manloloko?

Masarap manloko,at mahirap magpaloko.

Kung ikaw ay manloloko, meron at meron ding manloloko sayo.

Wag kang manloko para di ka maloko. Katumbas ng wag kang magloko para di ka lokohin.

BAHA. (when the sea is infront of you and when you can't see the street because of mud)


Setyembre 26, 2009

Umaga. Wala pa akong tulog dahil na-shock ako sa nangyari ng gabi bago ang malawakang pag-baha. Hindi ko na ikikwento ang nangyari ng gabing iyon dahil sumasakit lang ang puso at ulo ko. Baka ma highblood lang ako at mapatay ko ang salarin. Malungkot ang umaga, walang tulog, masakit ang ulo. Nagiisa.


Petiks pa ko sa pagteteks dahil naka-unli ako at kelangan ko gawin yon para medyo mabawasan ang pag-iisip sa kanya. Teeekkkssssstinggggg! Hindi ko namalayan na kasabay ng pakikipag aliwan ko sa iba ay kasabay na din pala nun ang ga-dagat na baha. May bagyo daw, si pareng Ondoy at nasa lebel na sya ng super typhoon. Sa loob ng sampung taon, iyon palang ang pangalawang pagkakataon na binaha ang lugar namin. Akyat-baba ng mga gamit ang mga oldies sa aming pamilya. Ang ilang kamag-anak ko naman ay nagging instant public icon. Sila ang nagging rescue ng aming mga kapit bahay na humingi ng saklolo para maisalba ang kanilang mga gamit. Habang tumatagal ay tumataas ang baha, salamat sa pangyayaring iyon dahil kahit pano napunta sa iba ang atensyon ko. Halos buong araw ang pagulan at halos lumubog na din pala ang pilipinas sa baha at sa putik, wala akong kaalam alam. Ang ilan as mga kapitbahay naming ay nakisilong na sa aming tirahan at nagsilbing instant evacuation center ang aming munting bahay. Dahil sa baha, kinailangan nang patayin ang kuryente kaya naman sobrang tinipid ko ang aking battery sa selepono. Unti unting humihina ang signal na parang unti unti rin kaming nalalayo sa mundo ng sibilisayon. Hardlife talaga.


Ilang araw ding naging guestroom ang aking kwarto, no choice eh at naging bodega na din. Ilang araw kaming nakatambay sa terrace ng second floor at walang gagawin kundi ang mag sight seeing sa mga bagay na umaagos sa baha. Andyan ang bag, plastic ng basura, may damit, tsinelas, foam ng kama, may ilang mga sapatos din ang naianod, may contact lens, patay na manok, patay na aso, mga sanga ng puno at di maiiwasang may Makita ka na tae na lumalangoy sa baha.


Dahil saw ala ngang kuryente, kinakailangan na ng lahat na tanggalin ang mga imbak nila sa kanilang frigidir dahil malamang mabubulok yon, saying naman. Kaya naman lahat ng pagkain na nasa storage ay bighlang naglabasan solb solb! Meron din nagpamigay ng karneng baboy, yun nga lang tinapon din naming kase boljak daw yun double dead na kasi.


Marami ding nagpamigay ng mga relief goods, actually nakaipon na nga kami ng mga delata at mga noodles. Araw araw yun ang kinakain naming kaya naman wag ka nang magtaka kung amoy sardinas na pati ang dighay namin. May nagpamigay din ng mga ukay-ukay na damit na kulang na lang ay itapon mo dahil talagang sira na ang hitsura ng mga ito. May tsinelas, toothbrush na china ang brand, toothpaste at mineral water. Nakatulong na sila, naipromote pa nila ang kanilang mga produkto. Hard life talaga.


Lahat ng tao mabait, ang mga di nagpapansinan dikit na ulit. Walang madamot, lahat nang-aalok ng pagkain, lahat pilit pinapasaya ang bawat isa. Tulong tulong. Sama sama.
Sa isang iglap, andaming nabago. Pati sama ng loob ko naianod din ng ata baha.
Bakit ganun, kailangan pa bang may mangyaring masama para magkusa tayo na ayusin ang sarili natin?

8.30.2009

SUPER MP3


Tandang tanda ko pa .. Nobyembre 29, 2007 yan ang eksaktong araw kung kalan sya napasaakin. Katatapos lamang ng MP3 fever (kung saan nauso ang 128mb 256mb at pag may 512mb ka ay sikat ka na at pag 1gb ay halimaw ka na..) I-out natin ang i-pod sa ating usapan dahil pang-mayaman lang ito at hindi ito afford ng masang pinoy. Mp4 naman ang sumunod na model, upgraded mp3 ito. Kolord na ang screen at pwede ng magplay ng video files at magview ng images. Mabangis. Marami ang mga kalalakihang nagpasalamat sa imbensyong ito dahil mas nadagdagan ang mga gadgets kung san sila pwedeng magplay ng porn vids. Anytime anywhere.

Malupet talaga ang mga instik, dahil hindi pa nakuntento sa MP4 kaya mas pinaganda pa ang mga features ng mp4, kaya nagkaron ng MP5. Ang MP5 may may built-in notepad at high quality na camera (pang daylight lang), video player for 3gp, nakababasa ng text file, may calculator, may built-in memory na 2gb, may memory card slot, games, rechargeable Li-ion battery, changeable themes, may speaker at pwedeng i-konek sa TV. Malupet. Hitik na hitik sa features.

Lahing MP5 ang aking nabili at siya ay si SUPER MP3. kelan ko lang siya napangalanan ng super mp3, mula ata nung bumaba na ang standards nya at medyo sumasama na ang tama nya sa madaling salita mula nung naging sirain na sya. Nagpasama ako sa isang kaybigan papuntang Raon. kilala ang raon na bagsakan ng mp3 series, cameras, iba’t-ibang musical instruments, cellphones, appliances, pati bilihan ng mga videoke nagkalat din doon. Siya ang tour guide ko. Tandang tanda ko pa ang layo ng aming nilakbay at kung paamo kami nakipag-tawadan sa mga tindero doon sa shop. Nakipagbolahan at nagnilaynilay, “2300php tapat na po.. wala na kaming tubo dyan.” Bueno mano daw kami kaya nakatawad din kami ng 200php ata.

Pinatos ko na dhail 2gb yon, sapat na dahil alam kong adik ako sa kanta. Tandang tanda ko pa, kinulang ako ng pamasahe dahil sinagad ko ang pera ko para mabili yon. Inatake ako ng pagka-impulsive buyer ko. Buong ipon ko ay isinugal ko para kay Super MP3 sa kabila nang ideyang kalidad China ito, sirain.. DISPOSABLE daw.

Pag may bagong gamit o gadget hndi tayo titigil hangga’t hindi natin ito nakakalikot ng husto at hindi nadidiscover ang buong features nito. Sabik nga. Hindi nakalusot sa ganoong kaugalian ang bagong bagong si Super Mp3. Piktyur dito, piktyur doon. Pose dito, pose doon. Bidyo dito, bidyo doon. Pindot ng pindot, di makuntento hangga’t hindi pa drain ang baterya. Araw-araw ay pagod sa iba’t-ibang activities ang aking alaga ayon mahigit isang buwan lang, nalaspag ang jack input para sa headphones pero naagapan naman ito dahil pinagawa ko ito sa doctor ng makina na matatagpuan sa: Ground floor building of Santa Lucia East Grandmall, beside Robinsons Metro East along Marcos highway road. For more info see flyers and posters for details. Chain reaction ang nangyari kay Super MP3 dahil sumunod na nasira ay ang down button navigation niya at di nagtagal ay sumunod si upper button. Sa kasamaang palad ay hindi o na sya napagamot dahil kasalukuyang tumitindi ang financial crisis na aking hinaharap. Bahala na, basta tumutugtog pa at naririnig ko pa ang tugtog yun ang mahalaga.

Kamakailan lang, nitong buwan ng hunyo nagsimula nang lumabas ang lahat ng saki ni Super MP3. Hindi ko sya masisi dahil alam kong medyo nagka-edad na sya, mahigit dalawang taon na din nya kong inaliw at napagsilbihan. Hinanda ko na ang aking sarili sa kanyang nalalapit na paglisan.

Binuksan ko sya para kamustahin, Sabay kaming nanggaling sa mahabang bakasyon at ilang araw ko din syang hindi nahawakan dahil ngayon ko lang ulit sya nai-charge. Sa una akala ko Ok pa sya..

“I’m a Barbie girl in a Barbie world..
It’s fantastic..
It’s fantasteeekkk--- eeekkk ----eeeeekkk..”
. . .

At nag-hang na sya. Sinubukan ko pa syang ireset at ipukpok, at ganoon lang ulit ang nagyari. Kinonsulta ko din sya kay Mainframe (Ang Jurassic PC ko na mas mabagal pa sa snail mail) sinubukan ko syang maka-usap pa, ngunit ang nagawa lang ni Mainframe ay hawaan pa si Super MP3 ng virus na sandamakmak. Nag shutdown na ang system ni Super MP3. (patugtugin ang TAPS)

Ibinurol ko sya sa aking drawer na kung saan ay imbakan ko ng mga koleksyon kong kalat at iba pang paraphernalia’s. nakakalungkot dahil di ko na nagawang maiback-up ang mga kantang all time favorites ko, at ang nagawa ko nalang ay tanggapin ang pagkawala niya.

Tuwing gabi sya ang nagsisilbing sleeping ko. Pag hindi ako makatulog, sya ang karamay ko magdamag. Matibay sa puyatan si Super MP3 dahil di sya tulad ng iba na mabilis antukin. Nagsisimula na ang kanyang pagkanta pag 10pm at hihinto lang sya pag 6am na. Halo-halong genre ng kanta kaya nyang kantahin para sa akin. Salamat Super MP3.

Sa bawat kasiyahan ng Happyhorse, minsan ding nagging ikaw ang official camera ng tropa. Kahit niloko mo kami na 9 mega pixel ka at ang totoo’y VGA ka lang. Hindi ka lang pang-kamera, pang videos pa ! Salamat Super MP3.

Makisig ka dahil hindi lang kanta, images at videos ang kaya mong itago. Pati mga confidential files at kung anu-anong shits ay tinago mo padin. Pati nga virus inalagaan mo pa. Salamat Super MP3.
Dahil sayo, nainspired mong bumili ng kagaya mo si Puya. Nag depreciate na ang presyo mo ng mga panahong iyon, kaya naka-mura si puya ng onte sa pagbili ng MP5. Panibagong lalaspagin ng tropa. Salamat Super MP3.

Naniniwala ako sa re-incarnation kaya alam kong muling magbabalik si Super MP3, tulad ng nangyari kay Optimus Prime. Di ako titigil na umasa na isang araw ay magbabalik sya at sa muli ay tutugtugan niya ako ng:

“I’m a Barbie girl in a Barbie world..
It’s fantastic..
It’s fantastic! ”

. . .

RIP
(Return If Possible)
SUPER MP3
Nov 2007 – Jun 2009

ONE SHOT.


Kararating ko lang sa tagpuan heto agad ang sumambulat sa akin:

HAPPY BIRTHDAY PUYA.
PAALAM NA NAGTEXT NA ANG TATAY KO, PANO BA YAN ALIS NA AKO.


Hahahhahahhahhahaha ! nakaktuwang pakinggan dahil maguumpisa palang ang aming pagdiriwang at heto sya nagpapaalam na agad. Sabagay di ko sya masisi dahil alas-tres ng hapon ang usapan at pasado alas-syete y’medya na ng gabi ako nakarating. (syempre galing ako sa mahabang byahe! Tinawid ko pa ang dagat.)

Nagtimpla muna ako ng maiinom, napagkasunduan ng lahat na iinom nuna sya ng ISANG SHOT bago umalis. Pumayag naman sya sa aming munting deal. Inabot na naming ang unang shot.

Ayon at mapayapa na naming syang pinauwi. Demanding pa dahil nagpahatid pa sya sa motor ng isa naming kaybigan. Gusto lang makatipid nun sigurado.

08:50:02 am
PUYANG- INA PUYA NAGSUKA AKO KAGABE. TAE NU ORAS NATAPOS? DI MAN LANG AKO NAKAPULUTAN HAHAHHA! AMP!

Nagulat ako sa text na iyan mula sa kanya. Akalain mo yon? Isang shot lang yon at nagkaganon na agad sya!. Napakalupit ko atang magtimpla?! Hahaha!


Ilalahad ko na ang katotohanan. Pina-shot naming sya ng isang baso na punong-puno at kada iinumin nya ito ay magpapanggap ang lahat ng tropa na busy o abalang abala na makipagkwentuhan sa bawat isa kaya hindi nila nakita ang pag-tagay niya. Ibabalik na ng biktima nag baso at magpapaalam na ito.

BAGO KA NAMAN UMUWI SHU-MAT KA NAMAN KAHIT ISA LANG!

*UTA KAKA-SHOT KO LANG!

OH?! MAY NAKAKITA BANG UMINOM SI --------
(Itago natin sya sa pangalang BRUNO)

WALA DI BA?

WALA !!!!

Naka-anim na UNA AT ISANG SHOT sya. Punong-puno ng alak ang baso na pinainom sa kanya at sunod-sunod yon na pinatagay sa kanya. Sa halos kinse minuto ¾ na pitsel ang kanyang inubos. Pagkatapos ng huling shot ay nakipag-kamay na ang lahat sa kanya.

AKING NAPAGTANTO NA KAHIT GAANO KA PA KALAKAS UMINOM KAYANG-KAYA KANG MALASING SA ISANG SHOT.
LALO NA KUNG KAYBIGAN KA NAMIN AT KUNG KASAPI KA NG HAPPYHORSE.

CHECK IT’ OUT !!
(che-ker-rawt)

-----
gawa ni: PUYANG INA

7.29.2009

DYIPNI

PARA.

Pasenyas kong ikinumpas ang aking kamay para huminto ang pampasadang dyip sa aking harapan.
Hindi kailangang magpakeme-keme o magpatwitams sa mga ganoong sitwasyon. Dahil kung sakaling matapat ka sa rush hour at ganun ang drama mo di malayong mapunta ka sa mga premium seats na madalas i-offer ng mga hapit na dyip. ¾ seat , ½ seat , ¼ seat o kung talagang may hatid kang swerte ay NO SEAT (ito yung tipong nagkakaroon ka ng imaginary seat . Pilit kang magsusumiksik para makaupo man lang kahit ¼ ng pwet mo sa upuan at aasa kang may bumabang pasahero sa di kalayuan para makaupo ka ng kumportable).
Syempre dahil sanay na ako at hindi naman ako yung taong laging conscious, nagmamadali akong sumakay kahit alam kong hindi pa naman ganun kapuno ang sasakyan.

LARGA NA.

Kadalasan inaabot ng mahigit kalahating oras ang byahe tuwing pumupunta ako sa eskwelahan o galaan kung saan saan. Mabilis ang byahe kapag hindi hapit sa pasahero ang drayber at kung hindi pa inaanay ang dyip niya. Sa tantiya ko ngayon ay aabutin ako ng isang oras papunta sa eskwelahan, sakto lang ang pag-alis ko sa bahay para hindi ma-late at hindi maghintay ng matagal bago pumasok sa klase.

SAMPU PA. KALIWA’T KANAN.

Hindi ako unlimited text dahil wala akong pang-load. Kung may load ako sigurado text lang ako ng text habang nasa daan, yun lang kasi ang pinaka-OK na pantanggal ng bagot sa mahabang byahe. Pero nung nabubuhay pa ang aking munting mp3, sya ang karamay ko sa araw-araw na paglalakbay ko kung saan saan. (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa). Walang load. + walang mp3 equals “tunganga”.

BAYAD NGA PO.

Ngayon ibabahagi ko sa inyo ang aking tips para maging kaaliw-aliw at makabuluhan (sana) ang inyong byahe. Happy trip !

TIP #1:

Ipikit ang inyong mga mata at magpanggap na tulog o matulog nalang kung puyat. Sa paraang ito ay maipapahinga ninyo ang inyong mga mata habang nasa daan. Pwede ring paganahin ang inyong malawak na imahinasyon. Naaliw ka na, makakaiwas ka pa sa mga batang namamalimos na may bitbit na sobreng lukot o kaya naman mga batang taga-punas ng sapatos (pero sa totoo lang ay pinapagpag lang ang basahan sa iyong sapatos o paa. Wag papaloko !)

TIP #2:

Mag sight-seeing sa mga lugar na nadadaanan ng dyip. Isipin mo nalang na ito ay isang educational trip with free usok at alikabok. Good for the health at good for the look. Think positive. Enjoy din ito dahil maaari kang makachamba ng mga live-action sa kalye. Minsan live na nakawan, banggaan o kaya naman ay away ng mga magsyota na umeeksena sa kalye. Kung lapitin ka ng swerte, malaki din ang tyansa na maka-spot ka ng chicks at gwapo sa daan o kaya sa mga kapwa mo pasahero. Nakakabusog ito sa mata.

TIP #3:

Magobserba sa mga kapwa pasahero. Madalas ko itong gawin lalo na kung kakaiba ang mga kasabay ko sa dyip. Andyan yung mga nagrereklamo sa kung saan saan, mga old friends na nagmistulang reunion event ang dyip at todo kamustahan pa,andyan din yung mga nagchichismisan sa mga napakawalang kwentang bagay, may iilan-ilan na kunyare ay nagddrums na hinahampas hampas ang kamay kung saan saan o kaya ay kunyare na tumitipa sa gitara, may mga ale na pinaguusapan ang mga artista, mga tatay na nagyayabangan sa anak, pero ang pinakamadalas kong makita e yung mga may mga sari-sariling mundo na pinangangambahan kong biglang atakihin sa puso o kaya ay atakihin ng pagka-bipolar nila.

MANONG TABI LANG PO.

7.09.2009

RUNNING FOR PRESIDENT

Apat na estudyante ang kasalukuyang nakatambay sa Anonas complex habang badtrip na badtrip sa kanilang kasama. Sa tagal ng katahimikan ay biglang naisip ang isang tropa na naisip namin na pwedeng pwede na maging presidente. Pinagana ang malawak na imahinasyon. Napapagtanto namin na pag siya ang naging presidente ng ating hikahos na bansa ay may posibilidad na umunlad at yumaman ang “three stars and one sun”.

Maguumpisa ang lahat sa
“PAGTITIPID”.

MGA BAGONG BATAS:

• Ang paggamit ng elektrisidad sa buong bansa ay magsisimula lamang mula ala-sais ng hapon. Isipin mo nalang kung gaano kalaki ang matitipid natin pag naipasa ang batas na ito, siguradong mababayaran na ang utang ng bansa. Magpapamigay ng pamaypay na may piktyur ng pangulo na naka-sign ng “pera” na naka todo ngiti pa.

• Ang murang pasahe sa mga pampublikong sasakyan. Ibabalik ang DOS SINGKWENTA (2.50php). Ipapatupad ito para tumigil na ang mga taong mahilig mag 1-2-3.

• Ang SHELL, PETRON, CALTEX, FLYING V, SEA OIL at iba pa ay siguradong malulugi dahil hindi na gagamit na gasoline ang mga sasakyan, ipapalaganap n ating pangulo ang paggamit ng naimbentong pamalit sa gaas na naimbento ng ating kababayan. Makabubuti ito sa ating kalusugan at pasado ito sa kampanya ng “CLEAN AIR ACT”.

• Tungkol naman sa paaralan lalo na sa mga kolehiyo. Ang mga canteen na may napakataas na bilihin ay otomatikong ipapasara. Papalitan ito ng mga abot presyong bilihin at hindi pwedeng mawala ang “CANDY” at may MAXIMUM OF THREE CANDIES PER DAY. Ito ang pinakamahigpit na ipapatupad.

• Ang mga drinking fountain ay ipapatanggal narin dahil mahina ito magsupply ng tubig. Papalitan ito ng gripo na maaaring inumin at pwede ding ipandilig sa mga halaman at maaari ding panlinis ng eskwelahan.

• Dahil may mga parte ng eskwelahan na madidilim merong mabibili sa canteen na mga kandila na mula sa korporasyon ng pangulo, ito lang ang kandilang maaaring ibenta sa buong bansa, dahil kung ang kandila ay galling sa ibang kumpanya at nasunog ang inyong bahay hindi kayo tutulungan ng ating mga bumbero.

• Ang ibibigay lang na baon ng mga magulang sa kanilang anak ay eksaktong pamasahe lang para diretso uwi na ito. Nang hindi na makagala at bawal ana bawal ang OVERNIGHT na pabor sa mga magulang dahil hindi na nila kelangan pang magbigay ng dagdag allowance na pinang papatak lamang sa mga inuman. Kung sino ang mahuli ay ikukulong para hindi matutong magsinungaling ang kanilang mga anak at hindi masangkot sa kahit anong gulo lalo na sa lansangan. Sa lansangan na paminsan minsan ay may bigla nalang nananapak.

• Ipagbabawal na ang mga HIPHOP o GHETTO na pang mahirap para mabawasa ang mga kabataang nagnanakaw para makabili lang ng BLING BLING. Maiiwasan na din ang mga nagrarayot sa frat.

• Ipagbabawal na din ang mga EMO MAHIRAP na mga dugyot tignan dahil nakakadagdag ito sa dumi ng kapaligiran. Bibigyan nalang sila ng blade ng pangulo para matapos na ang kanilang paghihirap at kalungkutan sa mundo.

• Ipagbabawal na din ang mga rap na kanta. Mga kanta ng TURTLECLUB ang magiging anthem ng Pilipinas para maging little Jamaica an gating bansa. Hindi tatanggalin ang rock, metal, alternaive, goth at iba pa basta hiphop lang aat rap na kanta ang bawal. Pwede na ding bumili ng mga pirata para makatipid.

• Ipapasara ang mga mamahaling restaurant, bilihan ng damit, at kung anu-ano pang hindi makatarungan ang presyo. Ang matitira lang ay ang Vans, Havaiannas, Fluid Surf, Mc Do, Jolibee, KFC,buy 1 take 1 na pizzahut, lollipop na pang pulutan, shawarma, Red horse, at mga ukay-ukay stores dahil ang lahat ng mga nabanggit ay bibilhin na ng korporasyon n gating pangulo at sa kanya nalang
tayo bibili.

• Madalas nating makakasalamuha ang pangulo sa mga nasabing pamilihan at kainan dahil pag day-off ay siya ang magtitinda para makatipid. Dadagsa ang mga murang tinda at pagkaen at mga tiangge na may presyong pang-MASA.

“ANG MGA MAHIHIRAP AY YAYAMAN.
ANG MGA MAYAYAMAN AY LALONG YAYAMAN
DAHIL SA PAGTITIPID O TRIPID. ”

Ang nasabing pangulo ay itatago nalang naming sa pangalang BRUNO.


PANDEMIC SCARE

Natapos na ang Pacman vs. Hatton fight , ang Katrina-Hayden scandal at ang pagsasayaw ni aling Dionisia sa isang dance contest na talaga naming pumatok sa masang pinoy. At heto naman ang bagong pupukaw sa atensyon ng lahat ng tsismoso’t tsismosa na ating kababayan: ang A(H1N1).

Sa aking pagkakaalam ang naturang virus ay isang uri ng Influenza. Nakuha ito sa mga sakit ng hayop na nag originate sa ibang bansa. Sa pamamagitan ng physical contact sa isang tao na infected ng virus ay maaari ka ng mahawaan nito. Ang sabi ng iba ay sipon lang daw ito na inexaggerate ng mga taga DOH, sabi naman ng iba nakakamatay daw iyon. Meron ding nagsabi na a(M1N1) ito , nabubulol na ata sa taranta kaya ginawang alphabet ang virus. Ang iilan naman ay sinabing bahala sila sa buhay nila.
Dahil sa A(H1N1) naghigpit ng seguridad an gating bansa. Pero sa kasamaang palad ay meron pa ding naalusot na infected ng virus. Hindi na ko nagtataka doon, kung ang mga smuggled goods nga eh walang kahirap hirap na nakakapasok sa bansa yung sakit pa kaya na hindi nakikita ng tao.

Kadalasan ang mga pinoy daw na nanggaling sa ibang bansa ang mga unang nagkaron ng kaso ng A(H1N1) dito sa Pinas. Bale ang mga mayayaman lang na pakalat kalat sa ibang bansa ang prone sa virus na ito. Dahil mas madami ang mga mayayaman na nagkaroon A(H1N1) kaya ito ay ihahanay ko sa mga sakit ng mayaman.
Biglang ding sumulpot ang bagong gadget na tinatawag na thermal scanner. Ito ay parang flashlight na may pulang ilaw na kung saan ay madedetek nalang kung mataas ang temperatura ng katawan ng isang tao. Pag papasok sa eskwelahan ay ii-scan ka muna gamit iyon at pag pumasa ka ay tatatakan ka nila sa kamay. Parang baboy lang, pag naaprubahan ay pwede ng katayin. Malaking abala ito sa mga late comers na tulad ko. Dahil minsan ay parang pila ng wowowee ang maabutan mo sa gate.
ABALA. AT NAPAKALAKING ABALA.

Hindi mo ba napapansin na mas maraming nagkaroon ng kaso ng virus ay mula sa mga super private school, yung mga eskwelahan na pang super rich kid. Hindi lang pala sila sa UAAP naglalaban, pati rin pala sa mga infected ng A(H1N1). Leading nga daw yung blue team at ang green team. Sila talaga ang mabigat na mgakakumpetensya sa lahat ng bagay. Sana may tayaan ng ending para dun. Tataya ako. Baka sakaling manalo.

Buti nalang reach kid lang ako. Bulok ang eskwelahan ang pinapasukan ko. Bihira ang mga kakilala kong mayayaman kaya naman kampante ako na hindi ako mahahawaan ng virus. May advantage din pala ang pagiging kapos palad.Sa wakas nagkaroon din ako ng rason para mahalin ko ang estado ko sa buhay.

6.22.2009

GOLD SOUP FOR BEAN-SIZED SOUL



Isa sa mga kinaiinisan ko ay yung mga reach kid na pa-rich kid o yung mga rich kid na may “ di mo ma-reach sa sobrang rich effect” . Sila ang mga sumasanto sa mga bagay na nagmumuka ng atheist dahil ang mga bagay ang effigy ng kanilang relihiyon. Mga taong wala ng bukambibig kundi ang mga ga-piranggot na pagkain o mga damit na may presyong ginto. At ang mga taong nagmumuka nang baga dahil ginagawa na nilang pagkatao kung ano ang meron sila.


Napapaisip tuloy ako, pano kung biglang magkaroon ng climate change at kumpiskahin ang lahat ng assets ng mga mayayaman. Paano na kaya sila? Sino na sila pag nawala na mga pinagmamalaki nilang mga kayamanan? Siguro mas pipiliin nalang nilang magpakamatay kesa mabahiran ng kahirapan ang kanilang walang kalyong mga kamay. Wala na silang puwang sa mundo, mas ok na din yung magpakamatay sila atleast mababawasan mga nagpapahirap sa mga mahihirap. Pabor ako dun.



Nanghihinayang ako sa mga bawat gamit na wala namang kinalaman sa kampanya ng anti-global warming na kung saan ang presyo ay mala-ginto. Kung susumahin sapat na ito para mapakain sa dalawang buwan ang isang hikahos na pamilya. Sayang.



Nanghihinayang ako sa bawat maninipis at maiiksing tela na katumbas na ng kumot at isang kahon na ng baru-baruan para sa mga sanggol. Mga pampaganda na libo libo ang halaga na hindi parin epektibo para mag mukha silang dyos o dyosa. Bakit di nalang kaya nila kaskasin ang mukha nila para kuminis at gumanda? Sapat na iyon para sa isang malawakang feeding program para sa mga out of school youth na mga bata. Sayang.



Higit sa lahat lubos ang pang hiinayang ko sa mga kapirasong mga pagkain na ang presyo ay hindi makatarungan. Lalo na kung di man lang ito umaabot sa kalamnan ng isang payatot na may bitukang pang construction worker. Kung magiging praktikal lang sana, kaya na nitong pondohan ng nang katerbang alak ang mga barkadang mangi-nginom, mapapagapang mo pa sa kalasingan, pwede ka pa makapag prodyus ng lugaw dahil dito. Pwede mong ibenta kung may bibili. multiple benefits. INSTANT BUSINESS.



Marami kang mapapasaya kung gugustuhin mo, marami kang matutulungan kung bukal talaga sa loob mo ang pagtulong at marami kang matutulungan kung isasantabi mo ang kayabangan at pagkagahaman mo. Imbes na pinagyayabang mo ang bagong tamagotchi mo o yang macbook mo, aba ipang inom nalang natin yan. Ebribadi happy pa.



Kahit inumin mo pa ang pinakamahal na kape at suki ka man ng pinaka mahal na tinapay sa poso negro parin ang final destination ng mga yan. Kahit gano ka pa kayaman di mo madadala sa impyerno yan. Bumili ka man ng pinakamahal na sapin sa paa, saplot sa katawan at pang retoke sa mukha, kung hipon ka naman din na mababago yon (sige tempura nalang para medyo sosyal).



Tandaan mo hindi dapat mahalin ang mga bagay at lalong hindi tama na ituring mong bagay ang mga tao. Madalas kasi nababaligtad natin, na mi-miss place natin ang dalawa. Hindi tayo tao at hindi rin tayo bagay. Kalahating hayop tayo. Hitsurang tao pero asal hayop. Sige magmalinis ka. Bahala ka. Liars go to hell.


---
SCRYholik



ALL THE SINGLE LADIES, PLEASE STAND UP !


TOP REASONS NG PAGIGING SINGLE

· Desting Adik - bahala na ang tadhana. Ito siguro ang epekto ng sobrang panunuod ng mga fairytales, telenovela, koreanovela at mga jdorama.

· Perfectionist - gusting jowa ata eh yung mala dyos at dyosa. Kung kahawig mo naman si diego at naghahangad ka ng kamunka ni brad pitt aba’t talagang tatanda kang single. Makuntento sa kamuka ni mura o ni mahal.

· Busy-busyhan - masyadong workaholic o priority ang pag-aaral kaya wala nang oras para makahanap ng jowa.

· Friendship theory - secretly inlove sa friend. Kuntento na kunyare sa pagiging tropa. Pero iiyak iyak pag naunahan ng iba.

· The one – nahuhumaling sa idea ng single-blessedness. Skies the limit nga naman kase. Walang magpapasakit ng ulo at puso.

· Free taste - tikim-tikim lang muna. Walangsabit, walang commitment.

· Wrong place/wrong time – maling lugar sa maling panahon. Maghihintay ng tamang panahon para makadiskarte.

· Rated PG (parental guidance) – depende kay mommy at daddy. O baka bata pa. mas mabuting mag-arl muna dahil baka mapa-aga ang pagaasawa.

· Traumatic experience – nasaktan ng bonggang bongga kaya natatakot na muling sumabak sa pag-ibig.

· EX to the Nth power - kunwaring naka move-on na kay ekis pero sya padin ang gusto.

BENEFITS NG PAGIGING SINGLE

· Bigger savings – walang palamunin, walang reregaluhan at walang sakit sa bulsa dahil sarili mo lang ang gagastusan mo. wala ding compulsory ng paglo-load hindi mo na kaylangang mag-unli para i-update lahat ng pinaggagawa mo sa syota mo.

· Party people – walang magaglit kung makikipag kaybigan ka o ka-ibigan ka sa mga bago mong nakikilala. Pwedeng pwede kahit sa half-pinoy at half-pinay.

· No‘PAALAM MUNA’ rule - pwedeng makipag-inuman sa tropa o pumunta kahit saang lupalop ng mundo dahil walang maghahanap sayo.

· Free from ‘pa-pugee’ effect – di mo na kaylangang maging conscious sa hitsura mo. hindi na kaylangang lawayan pa ang kilay para magmukhang makisig. Hindi ka na din gagastos sa mga damit para maging presentable palagi ang porma mo sa syota mo.

· Painless – walang mang-aaway sayo, wala din mang aalipin sayo at walang magmamaltrato sa puso mo. ligtas ka sa emotional at higit sa lahat physical abuse .

---
SCRYholik

6.06.2009

ANG MONSTER


Maganda ang aking gising sa umagang ito. Hindi puyat at hindi pa gaanong busog ang aking mga matang kahit dilat na dilat ay napagkakamalang sabog. Masigla ang awrang bumabalot sa aking paligid, medyo kumakati din ang ingrown ng aking mga kuko kaya naman naisip ko na magiging maswerte ang araw na ito. Bumangon na ako at nagkuskos ng isang kutsaritang morning glory (muta pag di maselan mga kasambahay mo).Tulad ng nakagawiang buhay nating mga dukha heavy-meals-three-times-a –day (light heavy meal sa agahan, super heavy meal sa tanghali at light feather meal sa gabi), light heavy meal ang almusal ko. SOLB SOLB.

Nakarating ako sa esKWELA-han ng mapayapa, TAKE NOTE: di ako late. Hindi rin ako masyadong naalikabukan at nausukan dahil sa harap ako nkaupo kanina sa dyip. Swerte talaga ako ngayon sabay ngiti na parang kinikilig.

Unang klase. Ayos na ayos dahil sa air conditioned room kami. Tamang diskasyon sa pagyayabang ang aming propesor na ganto ang litanya: “Hindi sa pagmamayabang pero puro lang naman singko ang grado ko” (doon daw sya sa DLSU nagtapos). Dahil estudyante lang kami bawal umangal o mag violent reaction , ang choice lang ay ang makinig kami. Ok na din kasi di ako tinawag para tanungin ng kung anu-anong tanong tungkol sa parte ng kompyuter. Malamang magmo-monumento ako nun.

Ikalawang klase. Sa air conditioned room ulit kami. Sulit na ang bayad sa tuition, di pa ko pagpapawisan. Ang swerte ko talaga ngayon ! Medyo naging boring ang kwento ng propesora namin, kaya naman kami-kaming magkakaklase nalang ang nagbolahan sa loob ng isang oras at higit sa nakakabagot na klase. At sa isang iglap ay bigla nalang akong kinabahan. Tumayo ang bawat balahibo ko sa katawan at ang pakiramdam ko ay bigla akong nanlamig kasabay din nito ang pagdilim ng aking paningin. Masama ito. May nakaambang panganib. May monster na nakakulong sa aking murang katawan.

Tyumempo ako kung paano ako makakasibat ng hindi namamalayan ng aking mga kasama. Kailangan ko ng makauwi ng bahay sa lalong madaling panahon, wala nang anu-anu pa. Nag ala-ninja ako para hindi ako mapansin sa aking pag-alis. Kahit ano ang aking galling sa pagbabalat-kayo ay sumasablay padin. Marami parin ang mga kakilala na napapansin ako at magtatanong ng mga napakawalang kwentang tanong . No choice ganto siguro talaga pag sikat gagawin nilang lahat ang paraan makausap lang ako. (SFX: kulog at kidlat)

Mabilis pero kalmado ang aking pagtakbo hanggang marating ko ang abangan ng dyip .

Amazing race ang drama ko, hindi alam ng kahit sino kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon, walang may alam kung anong hinagpis ang nagpapahirap sa akin ngayon. Wala wala wala kahit isa. Pasan ko ang mundo.

Patok na bulok ang aking pinatos na sakyan. Umaga palang kaya naman halos walang pasahero ang dyip na iyon. Sa may bandang gitna ako pumwesto para maibalanse ko ng tama ang aking katawan. Kaso sa isang kisapmata ay parang pinagtaksilan na ako ng swerte at niyakap ako ng malas. Hapit sa pasahero si manong drayber, maya’t maya ay humihinto para humakot ng pasahero na kahit alam naman ng niyang na di sasakay ay hinihintuan pa din. Kinailangan ko tuloy hugutin ang mga nakaimbak kong pasensya sa gilid gilid ng aking mga taba. Napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong sa sandaling maghisterikal ako ay baka may kung anong biglang kumawala sa aking katawan. Matagtag ang dyip kaya naman nadagdagan ang tensyon na bumabalot sa akin, sana may kapagyarihan ako para magteleport wala na sana akong problema ngayon.

Sa kalagitnaan ng mahabang paglalakbay ko ay biglang humilab ang aking kalamnan. Alam kong hindi ito dahil sa gutom kaya naman buong pigil kong pinatigas ang aking tyan para maiwasan ang paglabas ng monster. Isang masamang hangin kumawala sa akin. Buti nalang hindi sumama ang monster. Medyo bumilis na ang byahe, narinig ata ni Bro ang aking dalangin. Thanks bro ! you’re the man ! kahit papano ay may pag-asa nang nagpatibay sa akin. Malapit na ako sa aming bahay at malapit na din akong umupo sa trono. Kulang kulang isang oras ay nakababa na din ako sa bulok na dyip na hapit sa pasahero na sana ay mabutas ang gulong at mag overheat ang makina para hindi na makapasada.

Nakaabot ako ng ligtas sa terminal ng traysikel. Onting tiis na lang matatapos na ang paghihirap ko. Onting tiis din dahil lubak ang daan malapit sa bahay (wag muna sana lumabas ang monster). Sumakay na ako sa traysikel at sa ilang sandali ay umarangkada na ito. Mahigpit ang kapit ko sa bakal na kapitan para makontrol ko ang katawan ko at di ito masyado matagtag.

Ako’y nakababa na, at ilang hakbang pa ay nasa bahay na ako. Muli ay naglakad ako ng marahan hanggang matunton ko ang gate ng bahay. Walang usap usap ay tinakbo ko agad ang banyo. At ako’y umupo na sa tronong kanina ko pa inaasam-asam.

“prrooooooottttt ! “

*pause*

Langit ang aking naramdaman habang nilalabas ko lahat ng monster na nabuo sa aking katauhan.

Naisip ko maswerte padin ako, nakaabot ako.

---

SCRYholik

5.01.2009

SINO ANG DRAYBER

Alas-kwatro palang ng madaling araw bumangon na ang drayber para ihanda ang kanyang dyip para makapagpasada ng maaga. Wala pang gaanong dyip kaya maluwag ang kalsada. Tahimik. Payapa.

Sinimulan na ng drayber na pihitin ang makina para makapagsimula na ng kanyang hanapbuhay. Iniandar na ang kanyang pampasadang dyip, Dire-diretso at matulin ang takbo.

Madilim ang kalsada kaya hindi tanaw lahat lahat ng nadadaanan.

Hindi pa nakakalayo ay may sumakay ng isang babae.

Para.

At sumakay na ito sa looban ng dyip.

Dire-diretso ng takbo at sa hindi kalayuan ay bumaba na din ang babae.

Tuloy ang pasada at muli ay iniandar ang makina. Huni lamang ng dyip ang maririnig. Walang alinlangan sa matulin na pagtakbo hanggang di namalayan ng drayber na may kung anong humarang sa gitna ng daan. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya’t huli na ang lahat para ihinto ang makina.

Habang papalapit sa bagay na nakaharang ay unti-unti na ding naaninag kung ano iyon.Huli na ang lahat. Isang bata pala ang nakaharang sa daan. At ang hindi inaasahan nabangga ito.

Dagling bumaba ang drayber para tignan ang kalagayan ng bata. Duguan ito at nakalupasay na lamang sa kalsada. Habang papalapit ay tila namumukaan niya ang batang nakahandusay. Hindi makapaniwala ang drayber na ang sarili niyang anak ang kanyang nabangga. Niyakap niya ito ng mahigpit.

“Anak..”

“Oo anak mo ako.. pero hindi ikaw ang tatay ko” pabulong na sagot ng anak.


TANONG: kaanu-ano nga ba ng anak ang drayber?

** ang sagot nasa pinakaunang post :)

---

cornbeef

4.30.2009

INSOMYA


Nakakalungkot maging malungkot para akong

umiikot habang pinipilit kong makalimot.

Pagkat sobra na akong mayayamot sa nakakabagot na mundong

walang alam kundi umikot ng pabaluktot.

Pinipilit pumikit para manahimik sa dami nang iniisip

di magawang makaidlip.

Paligid ay tahimik boses ko lang ang rinig.

Hindi naman ako adik pero utak ko’y lumiliit

habang pinipilit ko itong sarili kong matulog ng nakapikit.

Masalimuot at puno ng puot ang nakabalot sa mundo nating umiikot.

Dating masayahin ngayo’y simangot at nalulungkot

Habang kumakamot sa ulong na papanot.

Subukan mang wag nang matakot

Pero wala ka nang magawa kundi hintayin na ikaw ay masundot

Para magising at sumabay nalang sa mundo nating galit na nakakayamot

Takot man ay may natitira pa ring saya na pilit na bumabalot

Sa mundo nating masalimuot na paikot-ikot.

---

chocobulate

THE GORGEOUS NANA-GIRLS

** hango sa totoong buhay.

Instruction: Isipin mong nakikinig ka sa isang pamosong istasyon ng radyo.


DJ Kuneho: Good afternoon everyone !

DJ Cornbeef: We have our session today.

DJ Bruno: *LAUGH*

DJ Kuneho: So what’s our topic for today?

(panandaliang katahimikan. Kunyare nagiisip.)

DJ Kuneho: we can talk about the Nana-girls !

DJ Cornbeef: huh ?

DJ Bruno: *LAUGH*

DJ Kuneho: yeah! the Nana-girls.

DJ Bruno: So.. what is Nana girl? *LAUGH*

DJ Cornbeef: yeah yeah. What is that Nana-girl?

DJ Kuneho: Nana-girls are the girls in the Que-bao.

DJ Cornbeef: Oh! The girls in the quezon ave. ?

DJ Bruno: *LAUGH*

DJ Kuneho: No! It’s the girls from Que-bao. Que-bao.

DJ Cornbeef & DJ Bruno: ah.

DJ Kuneho: Yeah yeah yeah !

DJ Bruno: the girls from Cubao migrated to Quezon Ave, so it’s Que-bao? *LAUGH*

DJ Kuneho: Yeah yeah that’s right !

DJ Cornbeef: so how can we have a Nana-girl ?

DJ Kuneho: I’ts cheap. For only 150 pesos. You have one piece of Nana girl and a half fried chicken.

DJ Cornbeef: wow that’s cool !

DJ Bruno: *LAUGH* and there’s a free aids and Nana.

DJ Kuneho: yeah yeah yeah !

DJ Cornbeef: So if you pay them 200pesos, it will have an air-conditioned room with two pieces of

Nana-girls?

DJ Bruno: too much freebies huh?!*LAUGH*

DJ Kuneho: Yeah yeah that’s right!

DJ Cornbeef: How about your girlfriend, is she a Nana-girl?

DJ Bruno: Yeah. Is she a Nana-girl?

DJ Kuneho: No No No. Lets change or topic.

DJ Bruno: ows? *LAUGH*

DJ Cornbeef: Oh. Paaawwll un paawwwll ! (“foul un foul”)

DJ Bruno: *LAUGH*

DJ Kuneho: Lets go to our next topic.

DJ Cornbeef: So what’s our new topic?

(mataimtim na pagiisip ng topic)

DJ Kuneho: Lets talk about the Nana-girls !

DJ Cornbeef: The Nana-girls again?

DJ Bruno: *LAUGH*

DJ Kuneho: Yeah the Nana-girls !

(makalipas ang dalawang oras na balitaktakan ..)

DJ Cornbeef: So whats are new topic?

DJ Bruno: *LAUGH*

DJ Kuneho: (nagiisip)

(panandaliang katahimikan. Kunyare nagiisip.)

DJ Kuneho: Lets talk about the Nana-girls !

DJ Bruno: *LAUGH* Again??

DJ Cornbeef: Yeah yeah yeah. I love Nana-girls !

DJ Kuneho: Yeah I Love them too.


---

SCRYholik


4.28.2009

LUYA LUYA SHAKE.

Ang bawat katapusan ay isang bagong simula, hindi lang natin alam ng mga panahong iyon. Malungkot ang bawat pagtatapos ng bawat bagay, lalo na kung iisipin mo na baka hindi na iyon maulit pa. Wala nang replay para sa mga sabog na Laughing moments at lalong wala ng take two para itama ang mga nabulol na punchline. Sarado ang ating isip dahil hinayaan nating mabalot tayo ng espiritu ng pagdadalamhati, bilanggo sa mga alaala ng nakaraan na alam mong malabong maulit pa. Bawat bagay may hangganan, hindi naman siguro pwede na Grade one ka palagi diba? Nakakatamad din naman manuod pag hindi nagkaron ng ending ang telenovela o koreanovela na paborito mo diba? adrama man ang ending, ito ay hudyat ng isang bagong simula. Ito ang imbentaryo ng mga pinagagawa mo, final output baga. Dito mo malalaman kung bagsak ka ba o pasado sa mga efforts na pinagagawa mo. At ang pinakamaganda dito pwede mo malaman kung ano ang mga typhographical errors na nagawa mo na shempre walang sawa mong uulitin sa next chapter ng buhay mo.

New Season.Bagong hair style, bagong t-shirt, bagong simkard, bagong buhay Ito na ang magsisilbing pangalawang pagkakataon mo para ituwid ang mga balukto’t mong punchline, Tyansa para bilugan ang lahat ng errors at isulat muli kung ano man ang tamang pagbabaybay. Adik ka man dati, heto na ang pagkakataong magbalik loob sa maylikha. Kung anti-christ ka dati, magbible study ka para maiba naman. At malay mo maging mabait sayo ang kapalaran, ditto sa bagong season ng nobela mo makilala mo na ang true lab mo. Ayos diba? Malay mo at malay ko din mas maging masya ka na ngayon tama ? Marami ang pwedeng mangyare mas masasayang mga adventure.

Ang pagkawala ng isang mahalagang bagay ay hindi pagsuko, ipinapasa mo lamang sa ibang tao ang responsibilidad na na sayo dahil iyon ang ikabubuti ng bawat isa. Tandaan mo hindi “weak” ang pagiwan sa nakaraan o sa isang mamahaling beyblade. Sapat na ang kakayanan mong ipaubaya sa iba at iwan kung ano ang pinakaiingat-ingatan mo para tawagin kang “strong”.

Bawat sakripisyo at luha ay may kalakip na kaligayahan (doble pa!). Ang bawat pagdurusa ay may kalakip na kaginhawaan. Ang bawat nawawala ay may kapalit. At ang bawat kamalasan ay may kalakip na swerte pwera nalang kung may balat ka sa pwet o may puno kayo ng papaya sa harap ng bahay nyo dahil iyon ay pinaniniwalaang nagtataboy ng swerte. Dahil sabi nga nila na ang mabait na bata ay kinukuha ng maaga ni Lord.

LUYA. Hindi mapait hindi matamis. Ito ay ang pinagsamang salita ng LU-ha at sa-YA kaya nagging Luya. Naniniwala ka pa bas a akin? Sana oo. Apir tayo bords ! Hindi kop ala alam kung bakit luya ang ginawa kong title ditto. Wag ka na magtanong ok!

---
SCRYholik