NOTICE TO THE BEANS:


ako ay kasalukuyang inaayos ang bagong lilipatan ng blog na ito.
http://beansrepublic.ning.com
underconstruction pa.
pero pwede na kayo magsign-up dun. salamat !


3.26.2009

WRONGSENT ?

Wrongsent (rông’sent) ¹ – ang mensaheng naipadala sa maling tao ng hindi sinasadya. Epekto ng katangahan o kawalan ng presensya sa pag-iisip kaya maling karakter ang napipindot.


Exempli Gratia:


Estupidyante: tra pre gala tau.
(Isesend dapat sa numero
ni Inggo pero naisendsa numero ni Itay)

Itay: ANAK, AKALA KO B GGWA KYO NG GRUP PROJE ? ABA
INUMAN LNG PLA INAA2PAG MO! UMUWI KA AGAD S BHAY MGUUSP
TAYO!




Wrongsent (rông’sent) ² – Modus Operandi ng mga nakikipag teksmeyt. Kunyare maling number ang nai-type pero habang tumatagal ay inuuto kana at inaalok ka na maging mag-kaybigan kayo.


Exempli Gratia:


Boy: hi.
Inday: WHO D HELL R YOU.
F*#%^Ng bastard?!
Boy: huh?
Your blood is so high! I am good, I am kool ! btw. Can u b my
txtm8?
Inday: Sorry, Im just
in state of fatigue. Well, I’m Rosalinda Maria Luz Joy Soriano but you can
col me inday for short. How bout ye?
Boy: Ako nga pla si Sulpicio Brix, aq ung drayber ng nsa tapat
niyo. Prens na tau ha? Hehehe. Muah! Ay teka ipagddrayb ko pa si sir. Teks you
later!
(at kinilig naman si Inday)



Wrongsent (rông’sent) ³-Numero Unong kinakatakutan mangyari ng mga two tymer dahil maaaring magdulot ito ng World War III. ViCEVERSA. Pinaka-epektib na ebidensya sa mga nagkukunwaring hindi ka niloloko.

Exempli Gratia:


BF: Hon, wat tym kta sunduin
mea?
GF:
huh? CNONG HONEY KA JAN!? SAKA BAT MKO SUSUNDUIN WLA TYO
PASOK NGAUN?!
BF:
ai sori mahal! Aa.. eh.. yung friend ko yun na bading
nagpapasundo saken!
(PALUSOT. Bistado na
nga.)


Wrongsent (rông’sent) ⁴-Dahil sa sobrang sanay ka na kateks ang isang tao kaya siya parin ang nasa isip mo kahit ibang tao na ang iteteks mo.




Exempli Gratia:


Guy:
O cge
pre, magkano nab a ang gagamba ngaun
jan?
Girl:
gagamba? Wrongsent ka labs. Si Boy
Gagamba ata tineteks
mo e. Maki2sabong ka nnman ng ggamba mo.
Tss.
Guy:
Ay oo, enxa na labs! May bgong breed dw kxe ng gagamba kya
balak q bmili.



Wrongsent (rông’sent) ⁵-Ang pakulo ng mga pampam o mga kulang sa pansin. Kunyare na-wrongsent pero ang totoo ay gusto lang niya magkateksan kayo. Gawain ng mga nahihiyang mag first-move.

Exempli Gratia:


Ex GF: Hoy asan ka nba? kanina pa ko naghihintay
d2!
Ex BF:
huh? And2 ko sa bahay. Xsent ka ata e.
Ex GF:
ay sorii, wrongsent
pla ko. Hehe. Musta n pla? May GF kna daw ulet ha? Longtym no teks .
Namiss 2loy kita :(

PEACE ON EARTH





Hindi ka ba nangangamba ngayong nalagasan na ng isa ang mga Zaido? Wala na si Zaido green, mukhang hindi natagalan ang longtime vacation ng pagiging superhiro kaya tuluyan nalang nagretire sa posisyon. Ang kinakatakot ko lang naman ay baka mabalitaan ito ng mga Kuuma at muli nilang tangkain na sakupin ang ating pinakamamahal na mundo. Baka hindi na makayanan ni Zaido Blue at Red, mahina na ang pwersa ng kabutihan. Malamang matuluyan na tayong makidnap at gawing alipin ng mga Kuuma, at ang masaklap pa ay pipilitin nila tayong sayawin ang kanilang korning korning dance step na kuuma dance. Wag naman sana dahil baka lahat ng rakista ay mag-convert na sa pagiging emo at mag gustuhin pang magsuicide nalang. Sana bago mangyari ang delubyo ay mahanapan agad ng karelyebo itong si Zaido green. Magpa-audition kung kinakailangan, mag-advertise sa TV o sa NET, magpatalent search o magpa-raffle para lang masolsyunan ang problema.



Pero kung walang makapasok sa qualifications bilang maging Zaido Green heto ang ilan sa pwede nating pagpilian na pang susbstitute na superhiro:

A) Mang Jose – Sa pangalan palang pinoy na pinoy na, siguradong maaasahan pero pag tapos na ang laban maglalabas na siya ng bill. Mahal kaya talent fee niya? Baon na nga sa utang ang Pinas me dagdag pang bayarin kung sakali. Lugi tayo dito pero me diskwento naman siguro tayo dahil kababayan natin siya.

Theme Song:

“ Mang Jose, Mang Jose ang superhirong pwedeng arkilahin “

B) Wonder pets- small time superhiros, tatlo ang miyembro nito: isang daga, isang sisiw, at isang pagong. Sila ay napakamatulungin, walang talent fee. Magaling din silang kumanta na talaga nga naming nakakahalina sa pandinig. Isipin mo may libreng pa-concert na , may libreng tagapagligtas ka pa.

Theme Song:

“Wonder pets ! Wonder pets !
Anjan na kami.
Ano ang kailangan (magtulungan)
Ano ang kailangan (magtulungan)
Hindi malalaki at hindi malalakas
Basta’t sama-sama lahat malulutas
Go Wonder Pets !“

C) Liga Insekta – (tama ba? Medyo sinumpong ako ng memorygap ko) Lider ng grupo ay si Gagambino at kasama niya dito ang tatlo niyang chiks. Isang maty lahing bubuyog, isang may lahing alakdan at isang may lahing mantis.Medyo heavy ang mga labanan na kinakasangkutan nila kaya malamang medyo may kamahalan ang kanilang talent fee. Animal lovers itong grupo na ito dahil may side kick pa silang dambuhalang gagamba na si Gambit. (ok siguro panglaban si Gambit sa sabong ng gagamba.)Kewl dib a?

Theme Song:

“ Gagambino .. “


(Inatake nanaman ako ng memorygap, ayan lang naalala ko sa theme song nila. KUNG ALAM MO YUNG THEMESONG NILA IBIGAY MO SAKIN. SALAMAT)

D) Santino – ang batang madasalin. Kung tight talaga sa budget pwedeng siya nalang ang ating lapitan, libre ang kanyang serbisyo. Malakas ang kapit niya kay Bro kaya nman lagi siya nitong tinutulungan. Isa lang ang kanyang sandat at iyon ay ay pananampalataya, so kung anti-bro ka baka hindi agad gumana ang powers ni Santino pag nakikipaglaban sa pwersa ng kasamaan.

THEME SONG:

(PAKISEND DIN SA AKIN NG MAG NAKAKAALAM NG LYRICS NG THEMESONG NIYA.)

ang iyong pagdaramdaaaam! Idalangin mo sa
maykapaaal!nasa puso mo...!

** salamat kay 'KAY' na nagsend ng lyrics hehe.




E) Super Inggo- Isa na sa mga legend at kinagiliwan ng mga batang manunuod. Anak siya ni super inday at ni Islaw. Si Inggo yung pormang taong grasa na madaming kulay ang buhok, siya din ata ang tumalo kay prince of darkness. Mas ok sakin yung pambansang bespren ng bayan kaso wala ata siyang powers. Hindi ko sigurado kung mahal talent fee niya, mas mabuti kung mag inquire muna tayo sa ABS.

THEME SONG:

“ Lilipad ako para lang sayo.
Blah blah blah..
Ikaw ang aking superhiro “

(Tama ba lyriks ko? yaan mo na kung mali. )

Pero kung no choice na talaga at ayaw mo umabot sa puntong sasayaw ng kuuma dance ito nalang ang natitirang paraan. Ito nalang ang paraan , last option para maisulong ang kampanya para sa katahimikan at kapayapaan. Nakuha ko ito sa t-shirt ko dati na may butas na ngayon. Garantisado isandaang porsyento hindi na tayo magugulo ng kahit sinong alien.

TAGLINE:

ESTABLISH WORLD PEACE,
KILL EVERYONE.

3.15.2009

ANG ALAMAT NG GLORIA


Nangarap akong sumikat minsan sa buhay ko at nauwi ang lahat sa kahihiyan na habang buhay kong dadalhin. Masaklap. Ang ang lahat ng ito ay dahil sa isang saging. Matagal nang nangyari ang lahat pero ang alamat ng gloria ay sariwa parin sa bawat isang saksi.

Heto ang kwento. maupo ka at mag-usap tayo.

Isang araw may nagdala ng saging dito sa aming kabahayan, di ko namaalala kung saang planeta ba nanggaling iyon baka sa planet of the apes, tama doon nga!. Mga ilang tali din ang dinonate samin kaya naman tuwang tuwa ang lahat dahil me panghimagas na kami pagkatapos ng agahan , panghimagas pagkatapos ng pananghalian, panghimagas pagkatapos ng miryenda at panghimagas pagkatapos nghapunan. ayos !

At dumating na ang pinakahihintay na pagkakataon ng lahat : ang paglamon sa mahiwagang saging.
Busog na sa pananghalian kaya masaya ang mood ng lahat nasa mood mang-asar. At sa wakas may naglakas loob na mang alok ng mahiwagang saging, kanya kanyang kuha ang bawa't isa habang nagniningning ang mga mata. Habang hawak nila ang maliliit na saging biglang gumana ang aking mga mumunting cell neurons.

TING !!

Ito na ang chance para magpasikat. Ayan ang sinisigaw ng mga alaga kong bulate sa tiyan. Ito na ang moment para bumilib sila sa akin. At ang tanging oportunidad para maging favorite na nila ko dahil ako'y magiging henyo na ako sa paningin nila. Ikinumpas ko ang aking kamay sa kanila na hudyat para kumalma muna sila. Masunuring mga hayop sila, dagli silang tumahimik at nagbehave.

"Hulaan ko kung ano yan" Basag ko sa katahimikan at buong pagmamalaki kong binigkas ang bawat kataga. May dignidad at may paninindigan.

"Ano?" Paghahamon ng isa sa mga audience ko habang binabalatan na nila ang kanikanilang mga bubot na saging. Ito na ang pinakahihintay kong chance, THIS IS IT ! huminga ako ng malalim at ibinulalas ko ang pinakahihintay nila na salita. Bahagyang nag slow motion ang lahat at naghihintay ang lahat sa aking mkapangyarihang salita. (SFX:drum roll please)


"GLORIA !" Sabay turo ko sa kanilang hawak na mahiwagang saging. Tumigil ang mundo at gulat na gulat sila. Ilang segundo naghari ang katahimikan.

Humalakhak sila. Humalakhak ng pagkalakas lakas na halos masira ang aking ear drums. Saka lang ako nahimasmasan ng tanungin nila ako ulit kung ano ulit yon. Nagising ako sa katotohanan at nagtataka kung bakit Gloria ang nasabi ko imbes na senyorita. Dyahe talaga. Alam kong senyorita yon pero iba ang nasabi ko. sablay !

Tawa sila ng tawa at halos makapos pa sa hininga. Napahiya ako ng bahagya at huli na ang lahat para maisalba ko pa ang aking reputasyon.

" AY SENYORITA PALA ! " pahabol ko baka sakaling makalusot sa kanila at maisip nilang nagkamali lang ako ng pagkakasabi. Pero huli na ang lahat huli na at wala nang second chance para mag move-on.

Mula noon ang GSenyorita ay pinangalanan nang Gloria, At ako ang may kasalanan noon. Ini-instant replay nang karumaldumal na eksena sa tuwing may saging na Senyorita sa bahay. Wala na akong magawa kaya pilit na ngiti nalang ang isinusukli ko sa kanila tuwing may replay na eksena.

Oo, nangarap akong magyabang at aminado ko doon. Dapat pala tumahimik nalang ako para hindi nangyari ang lahat pero gaya ng kasabihan nasa huli ang pagsisisi at sinisisi ko ang saging sa kahihiyan kong iyon. Ngayon ito ay isa ng alamat, alamat na nakakabit sa aking pagkatao at habang buhay kong panghahawakan.

Tandaan na ang maliliit na saging sa hindi na Senyorita ang tawag, kundi Gloria. Gloria. Gloria. at Gloria lamang. OK ! Bawal umangal. Damayan mo ako please?


---
Moon Go




KOPii BREAK

5 dahilan kung bakit makabuluhan ang pag-inom ng kape.
  • Epektib na pangpatanggal antok.
  • Epektib na pangbawas hang-over.
  • Epektib na pangpakalma. (may anti-oxidant kasi)
  • Epektib na pangpainit.
  • Epektib na partner ng matigas na pandesal.
Iba-iba ang kape. May presyong ginto at may presyong pang masa. May kapeng special at may ordinary na lasang kahoy. May malamig at may mainit meron ding maligamgam kung iyon ang hiyang sayo. Pwedeng may evap o creamer, asukal na puti o asukal na segunda o sugar free para sa mga diabetic. May black cofee at may makulay na kape. bawa't tao kanya kanyang timpla, depende sa pagkatao. Iba't ibang preferred seasonings pero kape padin.


Umaga nanaman at hindi buo ang araw ko pag hindi ako nakalagok ng kape. Oo kape nga. Ito ang food supplement ko simula bata pa ako. Ito ang drogang kumapit na sistema ko na hindi ko kayang tanggalin.


Kumukulong tubig , dalawang sachet ng kreamer, Isa't kalahating kutsara ng asukal at kalahating kutsara ng kape yan ang formula ng aking kape. Tamang tama panggising sa bawat umaga kong lumilipad pa sa panaginip. Sapat na para ikalma ang aking pagod na isip sa pagiisip kung pano ako magkakapera. At swak na swak nang pang painit sa bawat umagang mahamog.


May timer din ang pag-inom ng kape kaya hindi ito basta basta. Hindi pwedeng patagalin ang pagtambay nito dahil mawawala ang aura sa ibabaw ng iyong mug at hindi rin pwedeng isang shot lang ang kumukulong kape kung ayaw mong malapnos ang esophagus mo. Dahan dahan dapat, dahan dahan hanggang sa maramdaman mong ito'y sumasanib na sa kaluluwa mo. Isipin mong ito ang cleanser na lilinis sa bawat latak ng alak na nakaimbak sa bawat gilid gilid ng bituka mo at ang magtatanggal sa bawat nakabarang mantika at tinga sa mga ugat mo.


Isang mug ng kape. Sapat na para imulat ang pikit kong mata at para ipaalala sakin na simula na ulit ng isang panibagong araw. Isang kape. kalimutan na ang kahapon, kalimutan na ang palpak na timpla na kape ng nanay mo. Panibagong Kape. Panibagong Lasa.



" Burp!"



Ubos na pala ang kape ko di ko namalayan. Na high nanaman ako kung anu ano tuloy ang nasabi ko sayo, lahat ng nabangggit ko epekto lamang yan ng paginom ko ng kape. maniwala ka man o hindi.



kape.



kape.



kape.



" adikk ako.. sa.. kape ! "





BREAKING NEWS:


ISANG MINOR DE EDAD NA NAPAPABALITANG ADIK SA KAPE


TUMALON SA BUILDING DAHIL SA SOBRANG NERBYOS,


TIGOK !!

---
SCRYholik

ANG ALKANSYA


Para san nga ba ang alkansya? Puro pera nga lang ba ang dapat iimbak dito? Maupo ka at pakinggan ang aking salaysay, hango ito sa totoong buhay, baka magbago na ang pananaw mo sa alkansya.

Bumili ako noon ng alkansya para makaipon ako ng pangarap kong digikam na mukhang sa pangarap lang. Napakahirap kasi mag-ipon pag nakatago lang sa isang sulok ang pera mo. Atleast pag sa alkansya di yon ganun kadali kuhanin. Minungkahi ko sa bawat kapamilya ko ang plano ko para sa aking masidhing pag-iipon, hayun gaya ng inaasahan hindi sila interesado sa aking brilyanteng ideya.Isa lang, isa lang sa kanila ang nainggit sa gagawin ko. Si Tita lang ang naimpluwensayahan kong gayahin ang pakulo ko. Meron siyang naagaw na alkansya sa pabitin noong may children’s party an gaming kapitbahay kaya nagging instant gaya gaya siya. (ako idol niya)

“ ako nga din magiipon, puro papel lang ilalagay ko para magaan.
Nakakapeke kasi ang barya, ambigat-bigat pero pagtingin mo onti palang pala yung laman.”


Yabang niya sa amin. Barya lang na tig-lima at sampu lang ang kaya kong ihulog sa alkansya ko at bigtaym si Tita kaya perang papel ang iniimbak niya.

Hindi naman mayaman itong si Tita. Ang asawa niya ay isang mekaniko na di kataasan ang sahod. Pinagpala sila ng isang anak na mahigit isang taon na ding ginagastusan para sa gatas, diaper at kung baru-baruan. Magastos itong bida, di mo nga aakalain na wala siyang pera. Bili dito, bili doon, bumibili pa siya ng signature pa! kaso putcha sablay naman mga binibili niya. binili niyang pantalon skinny para sa anak niya, bumili din siya dati ng pampers na tig 36's small ang size samantalang pang large ang size ng pampers anak niya. palpak!


Nung bago mag krismas, bumili pa siya ng krismas light at sabi niya sakin.

"O heto, lagay mo sa bintana mo" (at nag giggle pa siya dahil sa tingin niya ay napakabrilyante ng kanyang ideya)

Hindi ako interesado sa kanyang magandang ideya, dahil wala akong mapapala doon. pinera mo nalang sana sabi ko sa isip ko.

"Ay wala pagsasaksakan sa kwarto ko, masyadong malayo "

yan nalang ang dinahilan ko. At ano ang kinahinatnan ng krismas light? ayon inamag lang.

Mayabang itong si Tita. Napakalakas ng bose at napakaingay niya. Nakakarindi at ang sarap isako at katayin ng buhay. Pag nagtanong ka sa kanya alam niya lahat, pinaglihi siguro siya sa encyclopedia. Lahat naranasan na niya, lahat alam niya. Pero minsan sumasablay siya kaya kutob ko e may lahing barbero siya.

Balik sa alkansya.
Di nagtagal ay mukhang nagipit ang bida.
Pinabuksan niya ang alkansya sa pinsan ko. Malamang may bibilhin nanaman siya noon na walang kakwenta kwentang bagay.

Winasak ang cover.

Kinuha ang Pera.

At tinakpan ngsandamakmak na
SKASTEYP.

Ok na.

Brand new alkansya na ulit. Ipon lang ng ipon. Hindi na ko masyado nakakapag hulog sa aking alkansya dahil nagigipit na ako.

Naging tahimik ang buhay ng aming munting bangko. Pero patuloy parin sa pagwaldas pera ang ating bida bidahan. Nagaglit na sakanya si Inang (kapatid ng tatay ko at kapatid ng asawa ni Tita) Wala na daw kasing awa sa asawa niya. Buto't balat na nga, pasarap pa sya.

...
...
...

Nitong kamakailan lang, ginulantang ang ako ng pinsan ko dahil sa pinaka sariwang balita mula dito sa aming kabahayan.

"Oi may nakwento na sa iyo si Inang?"

Pambungad niya.

"Ano yun?"

Sagot ko habang pikit mata pa akong nakahiga.

"blah blah blah.. "

Kakaibang balita. Mahirap paniwalaan at hindi ko namalayan na ako pala'y nakatulog nang muli.
Di nagtagal nahimasmasan na din ako, kaya nagpasya na din akong bumangon, maaga pa kasi ang pasok ko. Dating gawi: kuha ng ulam sa bahay at sa bahay nila Inang ako kakain.

Habang kumakain.

"Balita ko andami daw laman ng alkansay ni Tita ha?"

Mausisang tanong ko kay Inang.

"Totoo ba yon?"

Patuloy na panguusisa ko. Tawanan lang ang sagot nila na parang nangaasar.

"Weh?... Patingin nga ko!" pahabol ko.

Lumabas saglit si inang para maglook out kung may paparating na kalaban. OK CLEARED. Nang ma cleared na ang labas bumalik siya at kinuha ang nakakaintrigang alkansya. Mabilis na tinanggal ang packaging tape na balot nito habang kinikilig sa munting kalokohan na ginagawa namin.

"O tignan mo. " iniharap niya sa akin ang may bukas na parte ng alkansya. Gulat na gulat ako. Gulat na gulat na gulat. Sumambulat sa akin ang napadaming ..

napakadaming ..

at sobrang daming ..

SACHETS NG SHAMPOO AT CONDITIONER !!

F*#K !!

Andaming niya palang ipon na pera este mga sachets sa alkansya niya. Ang yaman talaga ni Tita.

"Andami niyang pera noh?"

Sabi ko pagkatapos kong tumawa ng tumawa. Anggaling ni Tita napaka maparaan niya, nakakabelib!
Baka may sasalihan siyang pa raffle sa TV kaya nagiipon siya ng pang proof of purchase. Sabagy pag nanalo ka sa pa raffle dodble ang panalo mo kesa magipon ka sa alkansya di ba? Galing!

PS: Tandaan na ang alkansya ay hindi lamang lalagyan ng pera. pwede din itong lalagyan nang iyong koleksyon o kung anu anong kalat.

---
Moon Go

3.13.2009

IS-KWELA AT ESTUPIDYANTE part2

"BAKIT PA TAYO NABUHAY,
KUNG MAGPAPAALIPIN LANG TAYO SA TADHANA"
-- Lean Edward aka 'Labhe'


ANG MGA UMI-EKSENANG KLASMEYTS.

* "di ako nakapagreview " - pero ang daming nasusulat sa test paper.

* " ang dali ng test" - pero siya yung pinakakulelat sa exam.

* patingintingin sa bintana hoping makakita ng lumilipad na sagot.

* ginawang notebook ang kamay o hita.

* nagpuyat para makagawa ng kodigo pero hindi din nagamit.

* sinisipa ang silya ng klasmeyt sa harapan o kaya naman ay nagku-koyakoy.

* di magrereview sa gabi, mag-aalarm ng madaling araw. gigising at papatayin ang alarm clock.

* group study daw pero nagiinuman lang o kaya naman ay DVD marathon.


* malakas mag-ingay pero pag recitation parang anghel.

* Mga all-time buraot ng pagkaen at papel.

* Manghihiram ng ballpen pero instant arbor na.

* Nagsulat ng "i promise i will not be late again" sa dalawang paper at 8 ang font size.pero hindi parin nadala. late kinabukasan.

* magpapraktis pero tambay lang ang gagawin.

* Ang laman ng bag ay mahigit 5 hanggang 10 libro. kaya parang may dala kang maleta sa araw araw.

* gagawa lang ng project pag deadline na bukas.

--------

ANG KWADRO DIVAS HOKAGAE (ho-ka-gey)


Isang semestre din naging makulay ang klase tuwing martes at huwebes dahil sa kanila. Iba't-ibang lalake na may pusong mamon. Bawat isa ay may paraan kung pano papaamuhin ang bawat kulang-kulang na klasmeyt ko sa klase at kanya kanyang pakulo sila para sumigla ang discussion. I'ba ibang pagkatao, Iba't-ibang aral ang ibinahagi nila sa amin.


SI IKA-UNA : Mestiso, malambing, matalino, mala maria clara kung kumilos at may halong tsinoy itong si ika-una. Siya ang pinakamahinhin magsalita sa lahat at pinakamalambing, Napakalambot ng puso niya para sa aming klase dahil di niya kami pinapahirapan sa exam. kool lang, petix petix. Marami din siyang ibinahagi sa amin sa klase niyang literatura na pang-daigdig (world literature). Ipinakilala niya sa amin ang machong si oddyseus, si beuwolf, ang seksing si calypso, pati narin ang mga tula ni shakespeare at ang tulang para kay Anabelle Lee, at higit sa lahat ang pag-gunita namin sa mga late beauty queens. Mahilig siyang mag passing show sa harap at mag-emote malapit sa bintana sa panahong nagtatampo siya sa klase. Siya ang prinsesa sa bawat pelikula at kami ang kanyang masugid na fans.


Dahil sa kanya naranasan namin makapanuod ng live na question and answer sa isang pageant. Dinedemo niya kung pano dapat mag-pose at kung pano i-aaply ang mga famous quotation sa literature sa paggamit nito bilang sagot sa mga nakaka pressure na tanong.


" I believe that success tastes the sweetest to those who never achieved "

Sabay beautiful eyes at kagat labi. Bonggang bongga! Isa lang yan sa mga itinuro niya sa amin na lubos na nakapagpasaya sa amin. Si ika-una ang pinaka kool para sa akin dahil party pipol siya. Nakkwento pa nga niya pati yung pag bbar-hopping nila ng kanyang mga amiga. Masaya. Puno ng aral sa klase niya.

SI IKALAWA : Propesor namin sa Technical Writing. Mestiso din at malambing, isa rin siya sa nakakagiliw na propesor sa aming klase. Galing daw siya sa city of smiles, sa Bacolod ata yun kaya siguro lagi siyang naka poise ngumiti. Medyo nagbabalat pasas na itong ikalawa (shh. wag ka maingay) kaya kahit panay ang banat niya ng jokes e hindi gaano bumebenta. Nalipasan na ng panahon ang kanyang pudpod na jokes, pero ok na din dahil sa accent niya ay matutuwa ka na. Napuna ko lang sa kanya na mautak siya, bakit? kasi habang jinojoke niya mga klasmeyt ko na lalake nedyo humahamyaw hapyaw kung saan saan ang kanyang kamay.


SI IKATLO : Pormal din itong si ikatlo, Trademark niya ang pagsuot ng super mega XL na polo na napakaluwag para sa kanyang extra small size na katawan. Napagtanto ko sa kanya na hindi lahat ng mukhang terror na propesor ay terror nga. Kahit mukhang na is-steel brush ang kanyang mukha at tinapalan ng sandamakmak na powder na pang espasol at gano kahorror ang mukha niya, kabaligtaran naman nun ang ugali niya. Wala kong masabi sa kabaitan niya, tinatrato niya kami na parang highschool students sa haba ng pasensya na binibigay niya sa balahura kong mga klasmeyt. Isa lang ang ayaw ko sakanya, parang hokus pokus siya sa grade. Mas mataas yung maraming absent kesa sa mga masipag magsipasok.


Hindi tumagal sa aming piling itong si ikatlo sa kadahilanang mas madalas siya ma-LATE kesa dumating ng maaga marahil nakatira pa siya sa bundok ng Mt.Apo kaya natatrapik siya sa pagbaba dito sa kapatagan. Hindi rin niya makontrol ang kaingayan ng klase (na minsan ay nira-raid pa kami ng propesor sa kabilang room at papagalitan kami dahil parang nasa palengke daw kami). Natsugi siya sa eksena at pumalit si ikaapat.


SI IKAAPAT : Tall, dark and darker. Yan ang banat ni ikaapat sa klasmeyt kong medyo maitim. Siya ang pinaka nagmamaganda sa lahat ng pusong mamon kong propesor. Siya din ang pinaka-moody at nakakatakot sa lahat ng nabanggit ko na Hokagae. Pero ok na din kasi mas magaling siyang magturo kay ikatlo na kakatsugi lang, mas kwela at may paninindigan. Madalas niyang ihalintulad ang kanyang sabog na nguso sa pouty lips ni AngeLina Jolie. Kambal daw sila (SFX: kumikidlat) eeew!. Bawal kumontra, bawal matulog, bawal ang hindi naka-ID, bawal mag cellphone, bawal huminga. Madaming bawal, at kung sino man ang mahuling lumalabag sa utos niya tatakutin niya na it-TRES sa grade o kaya ida-dropped. Matindi talaga siya, pero tumaas ang midterm grade ko nung siya na ang humahawak sa amin.


Tahimik lang ako sa klase niya na psychology dahil pag nachambahan ka niyang pagtripan, naku maookray ka ng todo todo. Kaya kahit gano kaantok ang klase niya (12pm to 130pm ang time) pinipilit ko imulat ang aking mga mata na gustong gustong pumikit.

Ok na din. Parang naranasan ko na ding makapunta sa gay bay dahil sa kanya at nakakatuwa din ang mga plus 2 na binibigay niya sa grade namin sa mga pagkakataong nahuhuli namin siyang nagsasabi ng salitang galunggong (rule niya na pag nagsabi siya ng Galunggong, may +2 kami sa grade).


---
Moon Go

3.08.2009

IS-KWELA AT ESTUPIDYANTE part1

Ilan sa mga makabagong bokabularyo ng mga estupidyante ngayon.

Allowance - Motivation para pumasok

Crush/Syota - Inspirasyon sa paggawa ng homework.

Ballpen - panulat sa katawan, pang-FLAMES, pang-VANDAL (gawain ko), pang-tusok sa mga mapang- asar na klasmeyts.

Notebook - sulatan ng FLAMES, SOS at iba pang larong papel. Ito din ang ginagamit na kanvas ng mga estupidyante na nababagot sa klase o kaya ng mga instant animator na gumagawa ng caricature ng inyong guro pag naiinis.

ID - Instant ruler

Uniform - Punasan ng mga maruruming kamay

Libro - Taguan ng lab letter, pwede ding taguan ng pera.

Projects - Paraan para makahingi ng pang-gimik, o excuse pag gimikan.

Ruler - Pangamot, panghampas sa mga harot ka klasmeyt

Gunting - Panggupit ng bangs (para sa mga amateur na emo mong klasmeyts), ginagamit ding pang-uka sa mga lalaking estupidyante na hindi sumusunod sa prescribed haircut na 7x7 na hairstyle.

Pambura - (pambato) panawag ng atensyon.

Cellphone - HiTech na paraan para maipasa ang sagot sa oras ng exam.


Uwian - Pampagising sa mga inaantok na estupidyante.

Tomorrow - deadline


*********

" Papasok ka ba? "

Yan daw ang pinaka Bad Influence na tanong sa mga estupidyante ng kapwa nila estupidyante. Sabagay kung lunes na lunes nga naman o tirik na tirik ang araw at tatanungin ka ng ganyan malamang mawalan ka na ng gana na pumasok.

" Ikaw , papasok ka ? "

Pag ganyan ang sinagot mo sa tinanong sayo,parang nakipag instant sabwatan ka na rin. Gumana na ang telephaty na parang kapangyarihan nila B1 at B2. Magkapartner na kayo sa krimen.

"Ano, pasok ba tayo?"

Pag hindi pareho ang desisyon ninyong dalawa, irerekomenda ko sa inyo ang paggamit ng TOSS COIN (application ng probability and statistics).

Simple lang ang rule.

** pag tao : Hindi papasok

** pag ibon : tatambay lang kayo sa loob ng campus

** pag kak (patayo ang bagsak ng coin) : mag papa-late kayo ng isang oras



PS: Alalahanin na ang edukasyon ay MAHAL-aga kaya dapat gawin lamang ang pagliban sa klase mga three times a week o kaya once a day lamang.


ika nga ng tropa ko : "Ang pag-aaral ay mahalaga ! "
pero ayun, nauna na ako sa kanya sa ibang subjects
kasalukuyan siyang nagsisipagsipagan ngayon.
GOODLUCK SAYO PUYANG INA !!


(May klase na ko kaya, papasok muna ako.BRB)

---
Moon Go


PALAHIAN NG MGA TALENTADO

Kada segundo patuloy ang paglobo ng populasyon dito sa bayan ni Juan. Nagmistulang marathon ang paglabas ng mga inakay na huhubugin natin para maging mabuting tao, mabuting mamamayan, at maboteng manginginom hanggang sila ay makapagpasyang manilbihan sa mga kamay ni kuya Joe.

Third world country daw ang Pilipinas. Sa totoo lang di ko masyado alam ang ibig sabihin non pero ayon sa pagkakaintindi ko, tinawag na third world country dahil sa dami ng populasyon natin. Kung tutuusin sapat na ang dami natin para tumira sa isang planeta. Ang Planeta ng Sardinas.

Sardinas. Yan ang pinakamalapit na pwede kong paghambingan sa kalagayan natin. Isipin mo nalang may mga kababayan tayong ginawa ng subdivision ang kahabaan ng highway, may tumira sa mga parke, may mga gumawa ng barung-barong na ginawang pundasyon yung rebulto ng ating mga bayani sa kung saan. Meron ding mga bedspacer, sila yung mga nakikitulog pag gabi sa mga tapat ng iba't ibang establisyamento na may dalang sariling karton at pagsikat ng araw ay sibat na. Hindi din mawawala yung mga ginawang apartment type ang mga gilid ng mga abandonadong gusali, maraming pamilya at bawat slot ay hinahati ng tetlang tabing. Kung tutuusin swerte pa nga yung mga nasa squatters area. kahit siksikan sila doon medyo ayos padin ang estado nila. Kumpleto sa kubyertos, aplliances, may dvd, may LCD tv, may quadcore na pc at naka n-series pa.

Sino nga ba ang tunay na mahirap at ang mga nagpapanggap lang? Hindi mo alam? Hindi niya alam at hindi ko din alam kung ba't napuna na dito ang usapan. Masyadong na tayong napasarap sa kwento.

CUT !

TAKE 2 !

Hindi maipagkakaila na sa dami ng anak ni juan ay may sumisibol parin na pwede nating maipagmalaki na mongoloid. Talentado daw ang mga taga Juan's tribe. sabagay, may mga imbentor nga na malupit umimbento ng kung anu-ano. Meron din tayong tagaluto na naninilbihan sa pinakamakapangyarihang tao sa mundo. Andyan din ang mga malilikhaing kamay na magagaling sa pagguhit at pagsusulat (parang ako, pero shempre joke lang iyon). May boxingero na defending champion, may singer, may aktor na namamayagpag sa hollywood. Hindi rin mawawala ang mga sikat na designers, pintor, karpintero, albularyo, manghuhula, tambay, magtataho at barker na nagpapasiklab sa bayan ni kuya Joe.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay napapansin sila. Minsan may favoritism kasi, mas inuuna pang pagtuunan ng pansin ang paglalagay ng pintura sa mga klayeng puno ng vandal o ang petisyon para sa pagbaba ng text messaging kesa sa paglilinang sa bawat talento ng anak ni Juan.

Ang epekto, dahil sa kakulangan ng atensyon na binibigay sa mga talentadong
nating mga kalahi (parang ako, pero shempre joke lang iyon) nababalewala lang ang mga pinaghirapan nila. Kadalasan napupunta sa iba ang mga likha nila kapalit ang kakapiranggot na halaga. Hindi din naman natin sila masisisi di ba? aanhin mo nga naman yang inimbento mo kung kalam naman ang sikmura ng pamilya mo. Mali o mali? Ang iba naman mas pinili nang mag paampon sa bayan ni kuya Joe kesa pumirmi dito sa ating Sardinas planet. Kumikita na sila doon, maganda pa ang treatment sa kanila ni kuya Joe. Ganun talaga praktikalan lang. San kapa?

Ganyan nalang ba ang kapalaran natin? Ang bayan ni Juan ay hindi lang palahian o factory ng tao o training ground para sa mga alien. Talentado tayo tandaan mo yan. Kung sapat lang sana ang atensyon na binibigay para sa bawat inakay ni Juan. Wala na sigurong magnanais pa na makatapak sabayan ni kuya Joe, at pustahan (pusta ko buhay ng presidente natin) uunlad tayo. Baka nga mas matalbugan pa natin kahit ang pinakamaunlad na bayan. May tama na ba akong nasabi ?


---
Moon Go

3.04.2009

EPEKTO NG 7 DAKILANG KASALANAN


i. ANG SELOS,

Nakakawalang tiwala sa sarili. Hindi makatarungan kung ang pinagseselosan mo lnag naman ay ang dota. Walang karapatan magselos kung ang pinagseselosan mo ay mula ulo mukhang paa.


ii. INGGIT,

Nakakawalang pera sa bulsa. Dahil di ka kuntento sa mga bagay bagay na meron sa iyo, baka ultimo bahay nyo at kaluluwa mo ay ibenta mo na sa demonyo makabili lang ng lollipop na nakita mo sa kalaro mo.


iii. GALIT,

Nakakawalang ganda sa mukha. Dapat itong kontrolin para hindi masayang ang lahat ng pahid at retoke na ginastusan mo ng libo-libo para gumanda ka kung malulusaw lang ito sa sobrang pag ka high-blood mo. Maaaring ikamatay mo pa ito.


iv. KASAKIMAN,

Nakakawala ng kaybigan. Give chans to other at share your blessings ika nga nila. Mas masaya kung me ka jamming sa buhay. wag maging gahaman dahil pag namatay ka e baka langawin ang lamay mo sa dami ng bisita.


v. KATAKAWAN,

Nakakawalang ganda sa katawan. Huwag pabayaan sa harap ng fridyidir ang mga bata para maiwasan ang pagkunsinti sa hormones ng katakawan. Mag apply sa fitness program para maging stable ang pagiging physically fit.


vi. KAYABANGAN,

Nakakasira ng kapaligiran. Masyado itong nagpprodus ng hangin na nagiging dahilan ng tsunami. Marami ang masasalanta at mauubos ang kalamity fund ng gobyerno. Iwasan ang kayabangan dahil marami ang napeperwisyo.


vii. KALIBUGAN,

Nakakawala ng enerhiya sa katawan. Kahit anong pigil sa temtasyon sa huli ikaw ang talo. Magandang pang ehersisyo wag lang sobrahan. Dahil ang gata ay nakakagawa ng bata.


Magdasal ng Aba Ginoong Maria 100 tayms, 50 Ama Namin, at maglakad ng nakaluhod mula recto hanggang sa Baclaran para mapawalang sala ang mga krimen na ginawa.

AMEN.


---
Moon Go


3.01.2009

GOODBAY SAMSOONG

(hango as totoong eksena)

Sa kahabaan ng orora bulibard katapat ng WAiTING SHED, sa gitna ng trapik, sa gitna ng pakikipagpalitan ko ng mensaje sa taong importante sken ay lumitaw ang isang
nakagigilalas na katauhan. Mabilis ang pangyayare, hindi ko namalayan na ako pala'
nasa bingit na ng kamatayan.

Sopistikadong snatcher: (hinawakan ang cellphone) akin na magandang cellphone mo!

kasabay nun ang pagtutok sa akin ng kanyang laruan na kutsilyo
at nanlilisik na mata (halatang high siya men!)

ako: (Gulantang , Kinapitan ko mabuti ang aking magandang sempun.)

Sophistikadong snatcher: wtf! buhay mo o ang iyong magandang cellphone mo!?

ako: (walang atubiling inabot sa kanya ang cellphone na parang tropa
lang kame.)

At siya ay tumakbong patalon talon palayo kasama ang aking
magandang cellphone.

Nakaranas ng trauma ang aking klasmeyt dahil sa kaganapang iyon.
samantalang ako ay patawa tawa lang.

Nagtataka ka siguro ? Wag ka maingay ha. Napulot ko lang din kasi yon.
Ganun talaga siguro, Lahat ng napupunta sa iyo e may takdang panahon na mawawala sila.
Masaya ako, dahil nakaligtas ako sa bingit ng kamatayan at nabigyan ako ng pagkakataong
makaranas kung ano ang pakiramdam pag pang-mayaman ang cellphone. Malungkot ako dahil hindi ko pa na upload ang mga pictures na nandoon sa cellphone ko na mganda, napakaiksi palang ng
panahon na aming pinagsamahan at nakakalungkot dahil ginamit lang sya na pambili ng demonyong bato ng sopistikadong snatcher.

PS: Malaki ang pasasalamat ko sa taong unang tineks ko ng panahong iyon.
Pinilit nya pang kontakin ung sopistikadong snatcher at namura ata sya non.:)
SALAMAT HA !

TRIVIA: TAPS ung ringtone ko nun, ung sa pag may namatay na militar . Hindi nakasilent ang aking magandang cellphone noon kaya sigurado ako tumunog iyon ng malakas nung sinusubukan syang kontakin ng taong binaggit ko sa taas.


(based on true to life story)

Sa kahabaan ng orora bulibard katapat ng WAiTING SHED, sa gitna ng trapik, sa gitna ng pakikipagpalitan ko ng mensaje sa taong importante sken ay lumitaw ang isang
nakagigilalas na katauhan. Mabilis ang pangyayare, hindi ko namalayan na ako pala'
nasa bingit na ng kamatayan.

Sopistikadong snatcher: (hinawakan ang cellphone) akin na magandang cellphone mo!

kasabay nun ang pagtutok sa akin ng kanyang laruan na kutsilyo
at nanlilisik na mata (halatang high siya men!)

ako: (Gulantang , Kinapitan ko mabuti ang aking magandang sempun.)

Sophistikadong snatcher: wtf! buhay mo o ang iyong magandang cellphone mo!?

ako: (walang atubiling inabot sa kanya ang cellphone na parang tropa
lang kame.)

At siya ay tumakbong patalon talon palayo kasama ang aking
magandang cellphone.

Nakaranas ng trauma ang aking klasmeyt dahil sa kaganapang iyon.
samantalang ako ay patawa tawa lang.

Nagtataka ka siguro ? Wag ka maingay ha. Napulot ko lang din kasi yon.
Ganun talaga siguro, Lahat ng napupunta sa iyo e may takdang panahon na mawawala sila.
Masaya ako, dahil nakaligtas ako sa bingit ng kamatayan at nabigyan ako ng pagkakataong
makaranas kung ano ang pakiramdam pag pang-mayaman ang cellphone. Malungkot ako dahil hindi ko pa na upload ang mga pictures na nandoon sa cellphone ko na mganda, napakaiksi palang ng
panahon na aming pinagsamahan at nakakalungkot dahil ginamit lang sya na pambili ng demonyong bato ng sopistikadong snatcher.

PS: Malaki ang pasasalamat ko sa taong unang tineks ko ng panahong iyon.
Pinilit nya pang kontakin ung sopistikadong snatcher at namura ata sya non.:)
SALAMAT HA !

TRIVIA: TAPS ung ringtone ko nun, ung sa pag may namatay na militar . Hindi nakasilent ang aking magandang cellphone noon kaya sigurado ako tumunog iyon ng malakas nung sinusubukan syang kontakin ng taong binaggit ko sa taas.


---
Moon Go

USAPANG PAMPAGANDA




"HINDI MAKIKITA ANG TUNAY NA KAGANDAHAN O
KAGWAPUHAN NG ISANG TAO SA DAMI NG
PROFILE VIEWS " -- ANONYMOUS




Ang natural na ganda ay hindi dapat tinatago o kinakahiya. Pinagkaloob ito sa atin ng diyos kaya matuto tayong pahalagahan ito at ingatan. Sa dami ng lumalabas na pampaganda ngayon may emepekto na ba sa iyo ? o lalo lang nitong sinisira ang biyayang kagandahan sayo ?

EKSENA

boy: ate foundation day ba?
girl: ha?
boy: sabi ko , kung foundation day mo ba?
girl: June palang foundation na agad ? ewan ko sayo !
*WALKOUT*


Kung nangyari na sayo yan subukan mo nang magnilay-nilay sa harap ng salamin at baka may mali na sa mukha mo. Retouch muna. Yan ang solusyon.

HAPPY HALOWEEN: Medyo napadami ang powder o kaya naman ay napakapal ng onti (onti lang naman) ang eyeliner kaya parang nagmumukhang inembalsamo. Advantage ito sa mga gustong gumaya kay powdered boy, di mo kilala ? si Edward Cullen yon.

THE CLOWN LOOK: Aatend ka ba ng children's party? Check mo muna kung nagmatch ang bawat koloreteng ipininta mo sa iyong mukha mo. Hanapin ang mga lagpas lagpas na kulay para naman di ka magmukhang ni rape ng kung sinong adik dyan.

THE BOXER: Napagkakamalan ka bang galing sa boxing, o galing sa pitbull fight? Tumingin sa salamin, tignan kung baka nasobrahan na sa paglagay ng blush on ang iyong pisngi at hindi mo namamalayan nagmumuka ka na palang binugbog o nasampal. Madali lang remedyuhan , maglagay lamang ng pulbo sa parteng nakapalan ng pulang kolorete.

THE GAY: Babae ka nga , pero nagmukha ka namang bading dahil sa pagkakalagay ng kolorete sa mukha mo. Magmadaling iretoke ang make-up para maiwasan ang katakut-takot na tuksong nakaambang sayo.

THE PERFECT ONE: Balanse ang paglalagay ng bawat kolorete at iba pang kung anu-ano sa mukha. Sakto ang pulbong pinatong para matakpan ang number one kaaway ng kadalagahan, ang pimple at iba pang dumi dumi sa mukha. Perfect !



COMMERCIAL BREAK***

Hate wrinkles and skin blemishes ?

Know how to get rid of the f*cking pimples and acnes ?

Free yourself from thinking about you're eyebags, and scars

Well, its You're chance to vanish the 7 signs of aging

and have a noticeable white young skin.

. . .

. . .

. . .

TRY ADOBE PHOTOSHOP
In just clicks all face problem will
be eliminated immediately. :)



COMMENTS:

"Naging kamukha ko na si Angelina Jolie !"
-- Bading sa kanto

"Salamat sa Adobe Photoshop, photogenic daw ako! gosh! "
-- Friendster Freak

"Nawala na ang mga stretchmarks ko,
at ang dami na nagsasabing sexy daw ako."
-- Piggy Boink

"Dumame manliligaw ko dahel ang ganda ko daw sa pektyor ! Pero sorry nalang sila dahil si dodong ang mahal ko ! "
-- Inday

"Andami kumukuha ng number ko na mga gwapo, nakakakilig !"
-- Bruno


---
Moon Go


ISANG MENSAHE MULA SA ISANG KAYBIGAN. (NEW*)

Dear Moon Go,

May kulang pa po doon sa "usapang pampaganda" kulang pa po yung
OLIVE OIL or MINOLA(cooking oil)

Kaya ko po nasabing kuLang ang inyong naisulat kase pu naibase ko sa inyong naisulat ang mga taong aking napagmamasdan sa aming paaralan. Mayroon po roong babaeng tinatawag nilang "olive oil" o kaya ay "minola(cooking oil)", marahil kaya po siya tinatawag o naitatago s panggalang iyon dahil sa kanyang mali at karumaldumal na paggamit ng make-up..


Masyado na po siyang nakakaperwisyo sa mga tao pati po sa kanyang kagrupo, ang kanilang ipapasang proyekto ay NATULUAN ng make-up, tama po ang inyong nababasa NATULUAN dahil po sa karumaldumal nyang pagmemake-up. Ang nangyayari s kanyang mukha ay lubusang nagmamantika! totoo po iyon! Dahil sa pagmamantika ng kanyang mukha dahil sa make-up iyon ay tumulo na lang sa kanilang proyekto, kaya galit na galit ang kanilang kagrupo dahil dito.


Sobra po iyong nakakaperwisyo.
^ayon po ito s totoong buhay, maniwala man kayo o hindi.


--
puyang-ina