8 years ago
NOTICE TO THE BEANS:
ako ay kasalukuyang inaayos ang bagong lilipatan ng blog na ito.
http://beansrepublic.ning.com
underconstruction pa.
pero pwede na kayo magsign-up dun. salamat !
3.15.2009
ANG ALKANSYA
Para san nga ba ang alkansya? Puro pera nga lang ba ang dapat iimbak dito? Maupo ka at pakinggan ang aking salaysay, hango ito sa totoong buhay, baka magbago na ang pananaw mo sa alkansya.
Bumili ako noon ng alkansya para makaipon ako ng pangarap kong digikam na mukhang sa pangarap lang. Napakahirap kasi mag-ipon pag nakatago lang sa isang sulok ang pera mo. Atleast pag sa alkansya di yon ganun kadali kuhanin. Minungkahi ko sa bawat kapamilya ko ang plano ko para sa aking masidhing pag-iipon, hayun gaya ng inaasahan hindi sila interesado sa aking brilyanteng ideya.Isa lang, isa lang sa kanila ang nainggit sa gagawin ko. Si Tita lang ang naimpluwensayahan kong gayahin ang pakulo ko. Meron siyang naagaw na alkansya sa pabitin noong may children’s party an gaming kapitbahay kaya nagging instant gaya gaya siya. (ako idol niya)
“ ako nga din magiipon, puro papel lang ilalagay ko para magaan.
Nakakapeke kasi ang barya, ambigat-bigat pero pagtingin mo onti palang pala yung laman.”
Yabang niya sa amin. Barya lang na tig-lima at sampu lang ang kaya kong ihulog sa alkansya ko at bigtaym si Tita kaya perang papel ang iniimbak niya.
Hindi naman mayaman itong si Tita. Ang asawa niya ay isang mekaniko na di kataasan ang sahod. Pinagpala sila ng isang anak na mahigit isang taon na ding ginagastusan para sa gatas, diaper at kung baru-baruan. Magastos itong bida, di mo nga aakalain na wala siyang pera. Bili dito, bili doon, bumibili pa siya ng signature pa! kaso putcha sablay naman mga binibili niya. binili niyang pantalon skinny para sa anak niya, bumili din siya dati ng pampers na tig 36's small ang size samantalang pang large ang size ng pampers anak niya. palpak!
Nung bago mag krismas, bumili pa siya ng krismas light at sabi niya sakin.
"O heto, lagay mo sa bintana mo" (at nag giggle pa siya dahil sa tingin niya ay napakabrilyante ng kanyang ideya)
Hindi ako interesado sa kanyang magandang ideya, dahil wala akong mapapala doon. pinera mo nalang sana sabi ko sa isip ko.
"Ay wala pagsasaksakan sa kwarto ko, masyadong malayo "
yan nalang ang dinahilan ko. At ano ang kinahinatnan ng krismas light? ayon inamag lang.
Mayabang itong si Tita. Napakalakas ng bose at napakaingay niya. Nakakarindi at ang sarap isako at katayin ng buhay. Pag nagtanong ka sa kanya alam niya lahat, pinaglihi siguro siya sa encyclopedia. Lahat naranasan na niya, lahat alam niya. Pero minsan sumasablay siya kaya kutob ko e may lahing barbero siya.
Balik sa alkansya.
Di nagtagal ay mukhang nagipit ang bida.
Pinabuksan niya ang alkansya sa pinsan ko. Malamang may bibilhin nanaman siya noon na walang kakwenta kwentang bagay.
Winasak ang cover.
Kinuha ang Pera.
At tinakpan ngsandamakmak na
SKASTEYP.
Ok na.
Brand new alkansya na ulit. Ipon lang ng ipon. Hindi na ko masyado nakakapag hulog sa aking alkansya dahil nagigipit na ako.
Naging tahimik ang buhay ng aming munting bangko. Pero patuloy parin sa pagwaldas pera ang ating bida bidahan. Nagaglit na sakanya si Inang (kapatid ng tatay ko at kapatid ng asawa ni Tita) Wala na daw kasing awa sa asawa niya. Buto't balat na nga, pasarap pa sya.
...
...
...
Nitong kamakailan lang, ginulantang ang ako ng pinsan ko dahil sa pinaka sariwang balita mula dito sa aming kabahayan.
"Oi may nakwento na sa iyo si Inang?"
Pambungad niya.
"Ano yun?"
Sagot ko habang pikit mata pa akong nakahiga.
"blah blah blah.. "
Kakaibang balita. Mahirap paniwalaan at hindi ko namalayan na ako pala'y nakatulog nang muli.
Di nagtagal nahimasmasan na din ako, kaya nagpasya na din akong bumangon, maaga pa kasi ang pasok ko. Dating gawi: kuha ng ulam sa bahay at sa bahay nila Inang ako kakain.
Habang kumakain.
"Balita ko andami daw laman ng alkansay ni Tita ha?"
Mausisang tanong ko kay Inang.
"Totoo ba yon?"
Patuloy na panguusisa ko. Tawanan lang ang sagot nila na parang nangaasar.
"Weh?... Patingin nga ko!" pahabol ko.
Lumabas saglit si inang para maglook out kung may paparating na kalaban. OK CLEARED. Nang ma cleared na ang labas bumalik siya at kinuha ang nakakaintrigang alkansya. Mabilis na tinanggal ang packaging tape na balot nito habang kinikilig sa munting kalokohan na ginagawa namin.
"O tignan mo. " iniharap niya sa akin ang may bukas na parte ng alkansya. Gulat na gulat ako. Gulat na gulat na gulat. Sumambulat sa akin ang napadaming ..
napakadaming ..
at sobrang daming ..
SACHETS NG SHAMPOO AT CONDITIONER !!
F*#K !!
Andaming niya palang ipon na pera este mga sachets sa alkansya niya. Ang yaman talaga ni Tita.
"Andami niyang pera noh?"
Sabi ko pagkatapos kong tumawa ng tumawa. Anggaling ni Tita napaka maparaan niya, nakakabelib!
Baka may sasalihan siyang pa raffle sa TV kaya nagiipon siya ng pang proof of purchase. Sabagy pag nanalo ka sa pa raffle dodble ang panalo mo kesa magipon ka sa alkansya di ba? Galing!
PS: Tandaan na ang alkansya ay hindi lamang lalagyan ng pera. pwede din itong lalagyan nang iyong koleksyon o kung anu anong kalat.
---
Moon Go
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment