"BAKIT PA TAYO NABUHAY,
KUNG MAGPAPAALIPIN LANG TAYO SA TADHANA"
-- Lean Edward aka 'Labhe'
ANG MGA UMI-EKSENANG KLASMEYTS.
* "di ako nakapagreview " - pero ang daming nasusulat sa test paper.
* " ang dali ng test" - pero siya yung pinakakulelat sa exam.
* patingintingin sa bintana hoping makakita ng lumilipad na sagot.
* ginawang notebook ang kamay o hita.
* nagpuyat para makagawa ng kodigo pero hindi din nagamit.
* sinisipa ang silya ng klasmeyt sa harapan o kaya naman ay nagku-koyakoy.
* di magrereview sa gabi, mag-aalarm ng madaling araw. gigising at papatayin ang alarm clock.
* group study daw pero nagiinuman lang o kaya naman ay DVD marathon.
* malakas mag-ingay pero pag recitation parang anghel.
* Mga all-time buraot ng pagkaen at papel.
* Manghihiram ng ballpen pero instant arbor na.
* Nagsulat ng "i promise i will not be late again" sa dalawang paper at 8 ang font size.pero hindi parin nadala. late kinabukasan.
* magpapraktis pero tambay lang ang gagawin.
* Ang laman ng bag ay mahigit 5 hanggang 10 libro. kaya parang may dala kang maleta sa araw araw.
* gagawa lang ng project pag deadline na bukas.
--------
ANG KWADRO DIVAS HOKAGAE (ho-ka-gey)
Isang semestre din naging makulay ang klase tuwing martes at huwebes dahil sa kanila. Iba't-ibang lalake na may pusong mamon. Bawat isa ay may paraan kung pano papaamuhin ang bawat kulang-kulang na klasmeyt ko sa klase at kanya kanyang pakulo sila para sumigla ang discussion. I'ba ibang pagkatao, Iba't-ibang aral ang ibinahagi nila sa amin.
SI IKA-UNA : Mestiso, malambing, matalino, mala maria clara kung kumilos at may halong tsinoy itong si ika-una. Siya ang pinakamahinhin magsalita sa lahat at pinakamalambing, Napakalambot ng puso niya para sa aming klase dahil di niya kami pinapahirapan sa exam. kool lang, petix petix. Marami din siyang ibinahagi sa amin sa klase niyang literatura na pang-daigdig (world literature). Ipinakilala niya sa amin ang machong si oddyseus, si beuwolf, ang seksing si calypso, pati narin ang mga tula ni shakespeare at ang tulang para kay Anabelle Lee, at higit sa lahat ang pag-gunita namin sa mga late beauty queens. Mahilig siyang mag passing show sa harap at mag-emote malapit sa bintana sa panahong nagtatampo siya sa klase. Siya ang prinsesa sa bawat pelikula at kami ang kanyang masugid na fans.
Dahil sa kanya naranasan namin makapanuod ng live na question and answer sa isang pageant. Dinedemo niya kung pano dapat mag-pose at kung pano i-aaply ang mga famous quotation sa literature sa paggamit nito bilang sagot sa mga nakaka pressure na tanong.
" I believe that success tastes the sweetest to those who never achieved "
Sabay beautiful eyes at kagat labi. Bonggang bongga! Isa lang yan sa mga itinuro niya sa amin na lubos na nakapagpasaya sa amin. Si ika-una ang pinaka kool para sa akin dahil party pipol siya. Nakkwento pa nga niya pati yung pag bbar-hopping nila ng kanyang mga amiga. Masaya. Puno ng aral sa klase niya.
SI IKALAWA : Propesor namin sa Technical Writing. Mestiso din at malambing, isa rin siya sa nakakagiliw na propesor sa aming klase. Galing daw siya sa city of smiles, sa Bacolod ata yun kaya siguro lagi siyang naka poise ngumiti. Medyo nagbabalat pasas na itong ikalawa (shh. wag ka maingay) kaya kahit panay ang banat niya ng jokes e hindi gaano bumebenta. Nalipasan na ng panahon ang kanyang pudpod na jokes, pero ok na din dahil sa accent niya ay matutuwa ka na. Napuna ko lang sa kanya na mautak siya, bakit? kasi habang jinojoke niya mga klasmeyt ko na lalake nedyo humahamyaw hapyaw kung saan saan ang kanyang kamay.
SI IKATLO : Pormal din itong si ikatlo, Trademark niya ang pagsuot ng super mega XL na polo na napakaluwag para sa kanyang extra small size na katawan. Napagtanto ko sa kanya na hindi lahat ng mukhang terror na propesor ay terror nga. Kahit mukhang na is-steel brush ang kanyang mukha at tinapalan ng sandamakmak na powder na pang espasol at gano kahorror ang mukha niya, kabaligtaran naman nun ang ugali niya. Wala kong masabi sa kabaitan niya, tinatrato niya kami na parang highschool students sa haba ng pasensya na binibigay niya sa balahura kong mga klasmeyt. Isa lang ang ayaw ko sakanya, parang hokus pokus siya sa grade. Mas mataas yung maraming absent kesa sa mga masipag magsipasok.
Hindi tumagal sa aming piling itong si ikatlo sa kadahilanang mas madalas siya ma-LATE kesa dumating ng maaga marahil nakatira pa siya sa bundok ng Mt.Apo kaya natatrapik siya sa pagbaba dito sa kapatagan. Hindi rin niya makontrol ang kaingayan ng klase (na minsan ay nira-raid pa kami ng propesor sa kabilang room at papagalitan kami dahil parang nasa palengke daw kami). Natsugi siya sa eksena at pumalit si ikaapat.
SI IKAAPAT : Tall, dark and darker. Yan ang banat ni ikaapat sa klasmeyt kong medyo maitim. Siya ang pinaka nagmamaganda sa lahat ng pusong mamon kong propesor. Siya din ang pinaka-moody at nakakatakot sa lahat ng nabanggit ko na Hokagae. Pero ok na din kasi mas magaling siyang magturo kay ikatlo na kakatsugi lang, mas kwela at may paninindigan. Madalas niyang ihalintulad ang kanyang sabog na nguso sa pouty lips ni AngeLina Jolie. Kambal daw sila (SFX: kumikidlat) eeew!. Bawal kumontra, bawal matulog, bawal ang hindi naka-ID, bawal mag cellphone, bawal huminga. Madaming bawal, at kung sino man ang mahuling lumalabag sa utos niya tatakutin niya na it-TRES sa grade o kaya ida-dropped. Matindi talaga siya, pero tumaas ang midterm grade ko nung siya na ang humahawak sa amin.
Tahimik lang ako sa klase niya na psychology dahil pag nachambahan ka niyang pagtripan, naku maookray ka ng todo todo. Kaya kahit gano kaantok ang klase niya (12pm to 130pm ang time) pinipilit ko imulat ang aking mga mata na gustong gustong pumikit.
Ok na din. Parang naranasan ko na ding makapunta sa gay bay dahil sa kanya at nakakatuwa din ang mga plus 2 na binibigay niya sa grade namin sa mga pagkakataong nahuhuli namin siyang nagsasabi ng salitang galunggong (rule niya na pag nagsabi siya ng Galunggong, may +2 kami sa grade).
---
Moon Go
No comments:
Post a Comment