NOTICE TO THE BEANS:


ako ay kasalukuyang inaayos ang bagong lilipatan ng blog na ito.
http://beansrepublic.ning.com
underconstruction pa.
pero pwede na kayo magsign-up dun. salamat !


3.15.2009

KOPii BREAK

5 dahilan kung bakit makabuluhan ang pag-inom ng kape.
  • Epektib na pangpatanggal antok.
  • Epektib na pangbawas hang-over.
  • Epektib na pangpakalma. (may anti-oxidant kasi)
  • Epektib na pangpainit.
  • Epektib na partner ng matigas na pandesal.
Iba-iba ang kape. May presyong ginto at may presyong pang masa. May kapeng special at may ordinary na lasang kahoy. May malamig at may mainit meron ding maligamgam kung iyon ang hiyang sayo. Pwedeng may evap o creamer, asukal na puti o asukal na segunda o sugar free para sa mga diabetic. May black cofee at may makulay na kape. bawa't tao kanya kanyang timpla, depende sa pagkatao. Iba't ibang preferred seasonings pero kape padin.


Umaga nanaman at hindi buo ang araw ko pag hindi ako nakalagok ng kape. Oo kape nga. Ito ang food supplement ko simula bata pa ako. Ito ang drogang kumapit na sistema ko na hindi ko kayang tanggalin.


Kumukulong tubig , dalawang sachet ng kreamer, Isa't kalahating kutsara ng asukal at kalahating kutsara ng kape yan ang formula ng aking kape. Tamang tama panggising sa bawat umaga kong lumilipad pa sa panaginip. Sapat na para ikalma ang aking pagod na isip sa pagiisip kung pano ako magkakapera. At swak na swak nang pang painit sa bawat umagang mahamog.


May timer din ang pag-inom ng kape kaya hindi ito basta basta. Hindi pwedeng patagalin ang pagtambay nito dahil mawawala ang aura sa ibabaw ng iyong mug at hindi rin pwedeng isang shot lang ang kumukulong kape kung ayaw mong malapnos ang esophagus mo. Dahan dahan dapat, dahan dahan hanggang sa maramdaman mong ito'y sumasanib na sa kaluluwa mo. Isipin mong ito ang cleanser na lilinis sa bawat latak ng alak na nakaimbak sa bawat gilid gilid ng bituka mo at ang magtatanggal sa bawat nakabarang mantika at tinga sa mga ugat mo.


Isang mug ng kape. Sapat na para imulat ang pikit kong mata at para ipaalala sakin na simula na ulit ng isang panibagong araw. Isang kape. kalimutan na ang kahapon, kalimutan na ang palpak na timpla na kape ng nanay mo. Panibagong Kape. Panibagong Lasa.



" Burp!"



Ubos na pala ang kape ko di ko namalayan. Na high nanaman ako kung anu ano tuloy ang nasabi ko sayo, lahat ng nabangggit ko epekto lamang yan ng paginom ko ng kape. maniwala ka man o hindi.



kape.



kape.



kape.



" adikk ako.. sa.. kape ! "





BREAKING NEWS:


ISANG MINOR DE EDAD NA NAPAPABALITANG ADIK SA KAPE


TUMALON SA BUILDING DAHIL SA SOBRANG NERBYOS,


TIGOK !!

---
SCRYholik

No comments:

Post a Comment