NOTICE TO THE BEANS:


ako ay kasalukuyang inaayos ang bagong lilipatan ng blog na ito.
http://beansrepublic.ning.com
underconstruction pa.
pero pwede na kayo magsign-up dun. salamat !


3.15.2009

ANG ALAMAT NG GLORIA


Nangarap akong sumikat minsan sa buhay ko at nauwi ang lahat sa kahihiyan na habang buhay kong dadalhin. Masaklap. Ang ang lahat ng ito ay dahil sa isang saging. Matagal nang nangyari ang lahat pero ang alamat ng gloria ay sariwa parin sa bawat isang saksi.

Heto ang kwento. maupo ka at mag-usap tayo.

Isang araw may nagdala ng saging dito sa aming kabahayan, di ko namaalala kung saang planeta ba nanggaling iyon baka sa planet of the apes, tama doon nga!. Mga ilang tali din ang dinonate samin kaya naman tuwang tuwa ang lahat dahil me panghimagas na kami pagkatapos ng agahan , panghimagas pagkatapos ng pananghalian, panghimagas pagkatapos ng miryenda at panghimagas pagkatapos nghapunan. ayos !

At dumating na ang pinakahihintay na pagkakataon ng lahat : ang paglamon sa mahiwagang saging.
Busog na sa pananghalian kaya masaya ang mood ng lahat nasa mood mang-asar. At sa wakas may naglakas loob na mang alok ng mahiwagang saging, kanya kanyang kuha ang bawa't isa habang nagniningning ang mga mata. Habang hawak nila ang maliliit na saging biglang gumana ang aking mga mumunting cell neurons.

TING !!

Ito na ang chance para magpasikat. Ayan ang sinisigaw ng mga alaga kong bulate sa tiyan. Ito na ang moment para bumilib sila sa akin. At ang tanging oportunidad para maging favorite na nila ko dahil ako'y magiging henyo na ako sa paningin nila. Ikinumpas ko ang aking kamay sa kanila na hudyat para kumalma muna sila. Masunuring mga hayop sila, dagli silang tumahimik at nagbehave.

"Hulaan ko kung ano yan" Basag ko sa katahimikan at buong pagmamalaki kong binigkas ang bawat kataga. May dignidad at may paninindigan.

"Ano?" Paghahamon ng isa sa mga audience ko habang binabalatan na nila ang kanikanilang mga bubot na saging. Ito na ang pinakahihintay kong chance, THIS IS IT ! huminga ako ng malalim at ibinulalas ko ang pinakahihintay nila na salita. Bahagyang nag slow motion ang lahat at naghihintay ang lahat sa aking mkapangyarihang salita. (SFX:drum roll please)


"GLORIA !" Sabay turo ko sa kanilang hawak na mahiwagang saging. Tumigil ang mundo at gulat na gulat sila. Ilang segundo naghari ang katahimikan.

Humalakhak sila. Humalakhak ng pagkalakas lakas na halos masira ang aking ear drums. Saka lang ako nahimasmasan ng tanungin nila ako ulit kung ano ulit yon. Nagising ako sa katotohanan at nagtataka kung bakit Gloria ang nasabi ko imbes na senyorita. Dyahe talaga. Alam kong senyorita yon pero iba ang nasabi ko. sablay !

Tawa sila ng tawa at halos makapos pa sa hininga. Napahiya ako ng bahagya at huli na ang lahat para maisalba ko pa ang aking reputasyon.

" AY SENYORITA PALA ! " pahabol ko baka sakaling makalusot sa kanila at maisip nilang nagkamali lang ako ng pagkakasabi. Pero huli na ang lahat huli na at wala nang second chance para mag move-on.

Mula noon ang GSenyorita ay pinangalanan nang Gloria, At ako ang may kasalanan noon. Ini-instant replay nang karumaldumal na eksena sa tuwing may saging na Senyorita sa bahay. Wala na akong magawa kaya pilit na ngiti nalang ang isinusukli ko sa kanila tuwing may replay na eksena.

Oo, nangarap akong magyabang at aminado ko doon. Dapat pala tumahimik nalang ako para hindi nangyari ang lahat pero gaya ng kasabihan nasa huli ang pagsisisi at sinisisi ko ang saging sa kahihiyan kong iyon. Ngayon ito ay isa ng alamat, alamat na nakakabit sa aking pagkatao at habang buhay kong panghahawakan.

Tandaan na ang maliliit na saging sa hindi na Senyorita ang tawag, kundi Gloria. Gloria. Gloria. at Gloria lamang. OK ! Bawal umangal. Damayan mo ako please?


---
Moon Go




No comments:

Post a Comment