NOTICE TO THE BEANS:


ako ay kasalukuyang inaayos ang bagong lilipatan ng blog na ito.
http://beansrepublic.ning.com
underconstruction pa.
pero pwede na kayo magsign-up dun. salamat !


3.08.2009

PALAHIAN NG MGA TALENTADO

Kada segundo patuloy ang paglobo ng populasyon dito sa bayan ni Juan. Nagmistulang marathon ang paglabas ng mga inakay na huhubugin natin para maging mabuting tao, mabuting mamamayan, at maboteng manginginom hanggang sila ay makapagpasyang manilbihan sa mga kamay ni kuya Joe.

Third world country daw ang Pilipinas. Sa totoo lang di ko masyado alam ang ibig sabihin non pero ayon sa pagkakaintindi ko, tinawag na third world country dahil sa dami ng populasyon natin. Kung tutuusin sapat na ang dami natin para tumira sa isang planeta. Ang Planeta ng Sardinas.

Sardinas. Yan ang pinakamalapit na pwede kong paghambingan sa kalagayan natin. Isipin mo nalang may mga kababayan tayong ginawa ng subdivision ang kahabaan ng highway, may tumira sa mga parke, may mga gumawa ng barung-barong na ginawang pundasyon yung rebulto ng ating mga bayani sa kung saan. Meron ding mga bedspacer, sila yung mga nakikitulog pag gabi sa mga tapat ng iba't ibang establisyamento na may dalang sariling karton at pagsikat ng araw ay sibat na. Hindi din mawawala yung mga ginawang apartment type ang mga gilid ng mga abandonadong gusali, maraming pamilya at bawat slot ay hinahati ng tetlang tabing. Kung tutuusin swerte pa nga yung mga nasa squatters area. kahit siksikan sila doon medyo ayos padin ang estado nila. Kumpleto sa kubyertos, aplliances, may dvd, may LCD tv, may quadcore na pc at naka n-series pa.

Sino nga ba ang tunay na mahirap at ang mga nagpapanggap lang? Hindi mo alam? Hindi niya alam at hindi ko din alam kung ba't napuna na dito ang usapan. Masyadong na tayong napasarap sa kwento.

CUT !

TAKE 2 !

Hindi maipagkakaila na sa dami ng anak ni juan ay may sumisibol parin na pwede nating maipagmalaki na mongoloid. Talentado daw ang mga taga Juan's tribe. sabagay, may mga imbentor nga na malupit umimbento ng kung anu-ano. Meron din tayong tagaluto na naninilbihan sa pinakamakapangyarihang tao sa mundo. Andyan din ang mga malilikhaing kamay na magagaling sa pagguhit at pagsusulat (parang ako, pero shempre joke lang iyon). May boxingero na defending champion, may singer, may aktor na namamayagpag sa hollywood. Hindi rin mawawala ang mga sikat na designers, pintor, karpintero, albularyo, manghuhula, tambay, magtataho at barker na nagpapasiklab sa bayan ni kuya Joe.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay napapansin sila. Minsan may favoritism kasi, mas inuuna pang pagtuunan ng pansin ang paglalagay ng pintura sa mga klayeng puno ng vandal o ang petisyon para sa pagbaba ng text messaging kesa sa paglilinang sa bawat talento ng anak ni Juan.

Ang epekto, dahil sa kakulangan ng atensyon na binibigay sa mga talentadong
nating mga kalahi (parang ako, pero shempre joke lang iyon) nababalewala lang ang mga pinaghirapan nila. Kadalasan napupunta sa iba ang mga likha nila kapalit ang kakapiranggot na halaga. Hindi din naman natin sila masisisi di ba? aanhin mo nga naman yang inimbento mo kung kalam naman ang sikmura ng pamilya mo. Mali o mali? Ang iba naman mas pinili nang mag paampon sa bayan ni kuya Joe kesa pumirmi dito sa ating Sardinas planet. Kumikita na sila doon, maganda pa ang treatment sa kanila ni kuya Joe. Ganun talaga praktikalan lang. San kapa?

Ganyan nalang ba ang kapalaran natin? Ang bayan ni Juan ay hindi lang palahian o factory ng tao o training ground para sa mga alien. Talentado tayo tandaan mo yan. Kung sapat lang sana ang atensyon na binibigay para sa bawat inakay ni Juan. Wala na sigurong magnanais pa na makatapak sabayan ni kuya Joe, at pustahan (pusta ko buhay ng presidente natin) uunlad tayo. Baka nga mas matalbugan pa natin kahit ang pinakamaunlad na bayan. May tama na ba akong nasabi ?


---
Moon Go

No comments:

Post a Comment