Wrongsent (rông’sent) ¹ – ang mensaheng naipadala sa maling tao ng hindi sinasadya. Epekto ng katangahan o kawalan ng presensya sa pag-iisip kaya maling karakter ang napipindot.
Exempli Gratia:
Estupidyante: tra pre gala tau.
(Isesend dapat sa numero
ni Inggo pero naisendsa numero ni Itay)
Itay: ANAK, AKALA KO B GGWA KYO NG GRUP PROJE ? ABA
INUMAN LNG PLA INAA2PAG MO! UMUWI KA AGAD S BHAY MGUUSP
TAYO!
Wrongsent (rông’sent) ² – Modus Operandi ng mga nakikipag teksmeyt. Kunyare maling number ang nai-type pero habang tumatagal ay inuuto kana at inaalok ka na maging mag-kaybigan kayo.
Exempli Gratia:
Boy: hi.
Inday: WHO D HELL R YOU.
F*#%^Ng bastard?!
Boy: huh?
Your blood is so high! I am good, I am kool ! btw. Can u b my
txtm8?
Inday: Sorry, Im just
in state of fatigue. Well, I’m Rosalinda Maria Luz Joy Soriano but you can
col me inday for short. How bout ye?
Boy: Ako nga pla si Sulpicio Brix, aq ung drayber ng nsa tapat
niyo. Prens na tau ha? Hehehe. Muah! Ay teka ipagddrayb ko pa si sir. Teks you
later!
(at kinilig naman si Inday)
Wrongsent (rông’sent) ³-Numero Unong kinakatakutan mangyari ng mga two tymer dahil maaaring magdulot ito ng World War III. ViCEVERSA. Pinaka-epektib na ebidensya sa mga nagkukunwaring hindi ka niloloko.
Exempli Gratia:
BF: Hon, wat tym kta sunduin
mea?
GF: huh? CNONG HONEY KA JAN!? SAKA BAT MKO SUSUNDUIN WLA TYO
PASOK NGAUN?!
BF: ai sori mahal! Aa.. eh.. yung friend ko yun na bading
nagpapasundo saken!
(PALUSOT. Bistado na
nga.)
Wrongsent (rông’sent) ⁴-Dahil sa sobrang sanay ka na kateks ang isang tao kaya siya parin ang nasa isip mo kahit ibang tao na ang iteteks mo.
Exempli Gratia:
Guy: O cge
pre, magkano nab a ang gagamba ngaun
jan?
Girl: gagamba? Wrongsent ka labs. Si Boy
Gagamba ata tineteks
mo e. Maki2sabong ka nnman ng ggamba mo.
Tss.
Guy: Ay oo, enxa na labs! May bgong breed dw kxe ng gagamba kya
balak q bmili.
Wrongsent (rông’sent) ⁵-Ang pakulo ng mga pampam o mga kulang sa pansin. Kunyare na-wrongsent pero ang totoo ay gusto lang niya magkateksan kayo. Gawain ng mga nahihiyang mag first-move.
Exempli Gratia:
Ex GF: Hoy asan ka nba? kanina pa ko naghihintay
d2!
Ex BF: huh? And2 ko sa bahay. Xsent ka ata e.
Ex GF: ay sorii, wrongsent
pla ko. Hehe. Musta n pla? May GF kna daw ulet ha? Longtym no teks .
Namiss 2loy kita :(
No comments:
Post a Comment