NOTICE TO THE BEANS:


ako ay kasalukuyang inaayos ang bagong lilipatan ng blog na ito.
http://beansrepublic.ning.com
underconstruction pa.
pero pwede na kayo magsign-up dun. salamat !


3.08.2009

IS-KWELA AT ESTUPIDYANTE part1

Ilan sa mga makabagong bokabularyo ng mga estupidyante ngayon.

Allowance - Motivation para pumasok

Crush/Syota - Inspirasyon sa paggawa ng homework.

Ballpen - panulat sa katawan, pang-FLAMES, pang-VANDAL (gawain ko), pang-tusok sa mga mapang- asar na klasmeyts.

Notebook - sulatan ng FLAMES, SOS at iba pang larong papel. Ito din ang ginagamit na kanvas ng mga estupidyante na nababagot sa klase o kaya ng mga instant animator na gumagawa ng caricature ng inyong guro pag naiinis.

ID - Instant ruler

Uniform - Punasan ng mga maruruming kamay

Libro - Taguan ng lab letter, pwede ding taguan ng pera.

Projects - Paraan para makahingi ng pang-gimik, o excuse pag gimikan.

Ruler - Pangamot, panghampas sa mga harot ka klasmeyt

Gunting - Panggupit ng bangs (para sa mga amateur na emo mong klasmeyts), ginagamit ding pang-uka sa mga lalaking estupidyante na hindi sumusunod sa prescribed haircut na 7x7 na hairstyle.

Pambura - (pambato) panawag ng atensyon.

Cellphone - HiTech na paraan para maipasa ang sagot sa oras ng exam.


Uwian - Pampagising sa mga inaantok na estupidyante.

Tomorrow - deadline


*********

" Papasok ka ba? "

Yan daw ang pinaka Bad Influence na tanong sa mga estupidyante ng kapwa nila estupidyante. Sabagay kung lunes na lunes nga naman o tirik na tirik ang araw at tatanungin ka ng ganyan malamang mawalan ka na ng gana na pumasok.

" Ikaw , papasok ka ? "

Pag ganyan ang sinagot mo sa tinanong sayo,parang nakipag instant sabwatan ka na rin. Gumana na ang telephaty na parang kapangyarihan nila B1 at B2. Magkapartner na kayo sa krimen.

"Ano, pasok ba tayo?"

Pag hindi pareho ang desisyon ninyong dalawa, irerekomenda ko sa inyo ang paggamit ng TOSS COIN (application ng probability and statistics).

Simple lang ang rule.

** pag tao : Hindi papasok

** pag ibon : tatambay lang kayo sa loob ng campus

** pag kak (patayo ang bagsak ng coin) : mag papa-late kayo ng isang oras



PS: Alalahanin na ang edukasyon ay MAHAL-aga kaya dapat gawin lamang ang pagliban sa klase mga three times a week o kaya once a day lamang.


ika nga ng tropa ko : "Ang pag-aaral ay mahalaga ! "
pero ayun, nauna na ako sa kanya sa ibang subjects
kasalukuyan siyang nagsisipagsipagan ngayon.
GOODLUCK SAYO PUYANG INA !!


(May klase na ko kaya, papasok muna ako.BRB)

---
Moon Go


No comments:

Post a Comment